Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Yeng, napa-wow! sa hubad na katawan ni Joem Bascon

TAWANG-TAWA si Yeng Constantino habang ikinukuwento at binabalikan nila ni Joem Bascon ang mga kakaibang bagay na ipinagawa sa kanila ni Direk Crisanto Aquino para maipakita kung gaano nila kamahal ang isa’t isa.

Ginagampanan nina Yeng at Joem ang magdyowa sa pelikulang Write About Love na pinagbibidahan din nina Miles Ocampo at Rocco Nacino, entry ng TBA Studios at mapapanood na simula Disyembre 25.

Nakakaloka ang mga eksenang ipinagagawa sa amin ni Direk Cris,” panimula ni Joem. “Siguro ang nakakaloka ‘yung ipinaamoy sa akin ang kili-kili ni Yeng. Kasi sina Marco at Joyce sobrang tagal nang magkasama, sobrang kampante na sila sa isa’t isa. Kung anuman ang ginagawa nila sa isa’t isa, komportable na sila.

“Kaya kahit nag-aamuyan na sila ng kili-kili, naghihingahan sa mukha. I mean ‘yun ang small things na binibigyan ng importansiya ‘yung relasyon nilang magkasama. ‘Yun ‘yung pampakilig nilang dalawa, panglambing nila sa isa’t isa.

“I’m just happy na game lang si Yeng, tapos tawa lang kami ng tawa sa set. Kasi natatawa kami sa mga ganoong eksena namin. Especially sa mga happy moments na. ‘Yun ‘yung mga hindi namin ine-expect na gagawin on-set.

“Siyempre, first time kaming mag-work tapos biglang ipinagawa iyon. Hindi ko alam kung paano siya (Yeng) magre-react. I’m just happy na game siya.”

Singit naman ni Yeng. “May naalala tuloy ako. First day po ng shooting namin, si Direk pinaghubad ng top si Joem sa harapan ko.”

“Ako rin nagulat kasi hindi pala alam ni Yeng na maghuhubad ako sa harapan niya,” sambit ni Joem.

“First day ko tapos, ano ‘yun hubad-hubad sa unang araw?! Ha ha ha. Nakaka-ano ‘yun,” natatawang kuwento ni Yeng sabay tanong namin kung ayaw ba niyang maghubad si Joem at sumagot ito ng, “Pwede rin naman, ha ha ha.”

Ani Yeng, hindi naman siya na-distract sa paghuhubad ni Joem, nanibago lang siya.

“Ang tropa ko kasi puro lalaki pero walang naghuhubad sa harapan ko. Maliban sa asawa ko. Tapos noong naghubad na ng top si Joem, ‘ay bongga! Wow! Ha ha ha.’”

Sa kabilang banda, naikuwento pa ni Yeng na gumagawa siya ng pelikula to keep her sanity.

“’Yung paikot-ikot na ginagawa ko, nakaka-hamster wheel lang. You just have to do something else to inspire you, to make you excited again about your craft and even in my song writing.

“So kapag gumagawa ako ng pelikula, somehow feeling ko nasa alternate universe ako na mayroon akong ibang buhay.

“It feels so real when you’re doing a film. Totoo po ‘yun eh. Acting is reacting, it’s really ano, hindi ka nag-a-act. It’s you at that moment. Ito ‘yung taong kasama mo. Ito ‘yung mundo mo. Kaya ‘yun to experience different emotions and different kind of life is amazing thru doing a film.”

Samantala, kinanta ni Yeng ang dalawang awitin para sa pelikula. Ang isa ay ang Original Motion Picture soundtrack ng Write About Love, ang Kapag Ako Ay Nagmahal (ni orihinal na kinanta ni Jolina Magdangal na debuted no. 2 sa SPOTIFY’s New Music Friday) at ang original composition na Ikaw Ang Akin na isinulat ni Direk Crisanto.

Sa kasalukuyan, naka-1-M views na sa Facebook ang music video ng Kapag Ako Ay Nagmahal.

Ang Write About Love ay rated G for all audiences ng MTRCB at Rated B ng Cinema Evaluation Board.

Mapapanood ang Write About Love simula December 25 handog ng TBA Studios para sa 45th Metro Manila Film Festival.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …