Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vice Ganda Ion Perez

Ion’s pronouncements of love to Vice Ganda, nakatutulili na

GASGAS na ang pamosong linyang madalas nating marinig mula sa bibig ng mga artistang pinagdududahang may relasyon.

Ang “We’re just friends” ay katumbas ng mas malalim-lalim na katagang “What you see is what you get.”

Literal ang ibig sabihin nito, ang nakikita ng publiko ay sapat na para masabing may “something” na nagaganap sa kanila kahit hindi pa nila ihayag ito sa buong mundo.

Such is the case of Vice Ganda and Ion Perez (o Kuya Escort kung tawagin).

Wala silang inaamin tungkol sa kanilang relasyon, pero kabaligtaran naman ang nakikita ng balana sa mga sinasabi nila.

For the most part, parang si Ion—between the two of them—ang mas madalas magkanulo sa kanila. Maybe, siya ang mas accessible sa dalawa.

Ang latest interview sa kanya na isinagawa ni Ogie Diaz (dating manager ni Vice Ganda) ay naganap sa loob ng van ng TV host-comedian. Wala si Vice Ganda ng mga oras na ‘yon dahil nakasalang sa pagho-host ng It’s Showtime.

Bagama’t may mga bagong insights o rebelasyong ibinahagi si Ion tungkol sa kanyang family background (15 pala silang magkakapatid) ay wala nang bago.

For the nth time ay ipinangalandakan ni Ion ang malinis niyang hangarin kay Vice Ganda. By malinis, we mean na hindi pera ng komedyante ang habol niya kung kaya’t nakipagrelasyon siya rito.

Pagpapakasal at pagkakaroon ng anak (sa anumang paraan) ang nadagdag sa panayam na ‘yon, which boils down to building a family in the future nang sila pa rin ang magkasama sa buhay.

Ang unang-una siyempreng kinikilig sa matatamis na salitang ‘yon ay walang iba kundi si Vice Ganda followed by his family and friends na wala namang hinangad kundi matagpuan nito ang lalaking seryoso’t tunay na magmamahal sa kanya.

‘Yun nga lang, Ion’s pronouncements ay walang inilayo sa taong paulit-ulit na humihingi ng sorry sa taong nasaktan o nadehado niya sa anupamang pagkakataon.

Ang salitang sorry, na paulit-ulit binibigkas, ay nawawalan ng sensiridad. Tama na ang isa o makatlong beses siguro, pero higit pa roon ay OA na.

Kapareho lang ng kasong ito ang walang ipinagbagong bersiyon o paraan ni Ion para patunayan sa buong mundo kung gaano siya katapat sa kanyang hangarin kay Vice Gnda.

Narinig na namin ‘yan, baka isang libong beses na. Mayado namang perpekto at walang bahid ni katiting na mantsa ang damdamin niya para sa komedyante.

What seems too perfect is good to be true. Bagay na mahirap nang paniwalaan sa isang uri ng relasyong mayroon sila.

Nasabi na ni Ion once or twice or thrice, tama na. OA na. Nakakakulili na ng tenga.

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …

Alden Richards

Alden  pang-international na bilang artista at producer

RATED Rni Rommel Gonzales KASAMA ang kanyang buong pamilya ay sa Amerika nagdiwang si Alden Richards ng …