Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
dead prison

Notoryus na tulak patay, 4 drug peddlers timbog

TODAS ang isang hinihinalang notoryus na drug pusher habang apat na drug peddlers ang naaresto sa magkaka­hiwalay na anti-illegal drug raid na isinagawa ng Bulacan PNP hanggang kahapon, 7 Nobyem­bre.

Kinilala ni P/Col. Chito Bersaluna, provincial director ng Bulacan PNP, ang napatay na suspek na si Rolando Oledan, residente sa Phase- 5 NHV, Barangay Tigbe, sa bayan ng Norzagaray, lalawigan ng Bulacan.

Batay sa ulat ni P/Maj. Avelino Protacio, Officer-in-Charge (OIC) ng Norzagaray Municipal Police Station (MPS), nakipagbarilan si Oledan sa mga operatiba ng Norzagaray MPS nang matunugan niyang under­cover agent ang ka-deal sa napagkasunduang transaksiyon sa droga sa nabanggit na lugar dakong 7:30 pm.

Napilitang gumanti ang mga pulis at sa ilang saglit na palitan ng putok ay nagresulta ito sa kamatayan ng drug suspect.

Ayon sa ulat, si Oledan ay notoryus sa malawakang pagbebenta ng ilegal na droga sa Barangay Tigbe at mga kanugnog nitong barangay.

Narekober sa napatay na suspek ang mga plastic sachet ng shabu, baril, bala, shabu residue sa iba pang plastic sachet, at buy bust money.

Sa dagdag na ulat ni Bersa­luna, apat na drug suspects ang naaresto sa mga serye ng anti-illegal drug raids na isinagawa ng Bocaue MPS, Pandi MPS at San Jose del Monte CPS.

Dinala ang mga nakom­piskang ebidensiya sa Bulacan Crime Laboratory para sa kaukulang pagsusuri samantala sasampahan ng kasong pagla­bag sa RA 9165 o Dangerous Drugs Acts of 2002 ang mga naarestong drug suspects.

Kaugnay nito, pinaigting ng Bulacan police ang kampanya laban sa ilegal na droga na kilala bilang pagtalima sa “Project Double Barrel Reloaded” sa direktiba ni Acting Regional Director ng PNP Region 3, na si P/BGen. Rhodel Sermonia.

(MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …