Saturday , November 16 2024
gun shot

Sa gitgitan sa masikip na kalye… 17-anyos tricycle driver binaril sa harap ng simbahan, patay

Patay ang isang 17-anyos tricycle driver matapos pagbabarilin ng kanyang nakagitgitang driver ng kotse sa harap ng simbahan sa Brgy. Poblacion, sa bayan ng Pandi, sa lalawigan ng Bulacan nitong Martes ng gabi, 28 Oktubre.

Kinilala ang napaslang na si John Paul Bonifacio, 17 anyos, residente sa Bgy. Malibong Matanda sa naturang bayan.

Dead-on-the spot ang biktima na pinagbabaril sa loob ng ipinapasadang tricycle dahil sa tama ng bala sa kanyang katawan.

Ayon sa ilang nakasaksi, bago ang pangyayari ay nakagitgitan ng tricycle ng biktima ang isang kotse sa kalsada kaya nagalit ang driver nito.

Pagsapit sa harap ng simbahan ng Pandi, dito binaril ng hindi kilalang suspek ang biktima habang nakasakay sa kanyang tricycle.

Matapos ang pamamaril, tumakas ang suspek sa hindi malamang direksiyon.

Tinangkang sagipin ang buhay ng biktima nang dalhin sa pinakamalapit na pagamutan ngunit lagot na ang hininga.

Kasalukuyang nagsasagawa ng follow-up operation ang mga tauhan ng Pandi Municipal Police Station (MPS) upang matunton at madakip ang salarin sa krimen. (Micka Bautista)

About Micka Bautista

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *