Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
KASAMA ng napslang na si SG Ronnie Pascua ang kanyang naulilang asawa at mga anak sa larawang ito. Katarungan ang hiling ng kanyang pamilya.

Sekyu nagbuwis ng buhay laban sa holdap sa Starmall (Sa San Jose del Monte City)

IBINUWIS ng isang guwar­diya ang sariling buhay sa pagtupad ng kanyang tung­kulin matapos harangin at labanan ang holdaper sa Starmall, San Jose Del Monte City, sa lalawigan ng Bula­can, nitong Martes ng gabi, 22 Oktubre.

Sa ulat mula sa San Jose del Monte (SJDM) City Police Station (CPS), kinilala ang napaslang na biktimang si Ronnie Pascua, residente sa Bgy. Bagong Buhay, sa nabanggit na lungsod.

Ayon kay P/Lt. Col. Orlando Castil, hepe ng SJDM City police, hinoldap ang isang bayad center sa nasabing mall at sinubukang harangan ni Pascua ang papa­takas na holdaper hang­gang nauwi sa pagpa­pambuno ng dalawa.

Nang makakuha ng ti­yempo ay malapitang binaril ng holdaper ang guwardiya saka nagmamadaling luma­bas upang tumakas.

Kasalukuyang tinutugis ng pulisya ang nakatakas na suspek samantala inaalam ang halagang nakulimbat sa niloobang bayad center.

Ang Starmall ay pag-aari ng pamilya nina Senator Cynthia Villar at sister company ng kasalukuyang water concessionaire na Prime Water sa nasabing lungsod.

(MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …