Saturday , November 16 2024
jeepney

Operators ng PUV binalaan: Kapag hindi sumunod sa modernisasyon prankisa tatanggalin

BINALAAN ng Kagawaran ng Transportasyon (DoTr) ang lahat ng mga operator ng public utility vehicle (PUV) na maaari silang maalisan ng prankisa kapag nagpatuloy sila sa pagtutol sa PUV Modernization Program ng pamahalaan hanggang sa palugit na itinakda sa susunod na taon.

Ayon kay transportation undersecretary Mark De Leon, bibigyan ng paalala ang PUV operators ukol sa requirements at regulasyon ng nasabing programa at kapag ipinilit nilang hindi sumunod sa modernisasyon, ang magiging tanging opsiyon ng DoTr ay ialok ang kanilang prankisa sa ibang mga operator.

“Let’s stick to the deadline at kung hindi kayo makako-comply, pasensiyahahan na lamang po tayo,” idiniin ni De Leon.

Layunin ng PUV modernization ang phaseout ng mga lumang jeepney at palitan ng mga Euro 4 compliant na sasakyan na maaaring tumakbo gamit ang renewable energy. Ang bawat unit ng mga modernong sasakyan na nagkakahalaga ng P1 milyon hanggang P2.2 milyon kabuuan ay may subsidiya mula sa pamahalaan.

Inihayag ni De Leon, hiniling ng DoTr sa mga operator na may iisang ruta ng operasyon na magkaroon ng consolidated franchise para maalis ang kultura ng kompetisyon sa hanay ng transport service.

“Sa pamamagitan nito, magiging suweldohan na ang ating mga driver. Kapag boundary system kasi ang ating mga driver, may kompetisyon sa kalsada dahil sa pagkuha ng mga pasahero,” aniya.

Sa pagpapatupad ng PUV modernization program, umaasa ang DoTr na mas maisasaayos ang sistema ng transportasyon sa ating bansa.

Nitong nakaraang linggo, nagsagawa ang ilang transport groups ng malawakang strike laban sa PUV modernization program.

Ayon kay Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) president Mody Floranda, hindi magagawang sumunod ng karamihan ng mga tsuper at operator para maharap at matugunan ang mga problema ng modernisasyon at  maging bahagi ng isang korporasyon o kooperatiba.

“Hindi kakayanin ng mga indibiduwal na operator iyong halaga ng mga inilalako nilang sasakyan,” ani Floranda.

Nang tanungin ukol sa mamahaling PUV unit, inilinaw ni De Leon na hindi puwedeng mabalam pa sa ngayon ang programa ng modernisasyon dahil sa isang usapin o balakid ng kinakaharap ng mga apektado sa programa.

Idinagdag niyang makakukuha ng diskuwento ang mga operators kapag sila ay kabilang sa isang kooperatiba.

 (Kinalap ni TRACY CABRERA)

About Tracy Cabrera

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *