Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

McCoy, nahirapang i-manyak si Roxanne

SA pelikulang G! mula sa Cineko Production ay gumaganap si McCoy de Leon bilang si Sam, ang team captain ng kanilang football team. May cancer siya. Gumawa siya ng bucket lists bago siya mamatay.

Isa rito ay ang makatikim na ng sex dahil virgin pa siya sa babae. Hindi pa niya nararanasang makipag-sex. Dapat ay makaka-sex niya si Roxanne Barcelo nang ma-meet niya ito sa Subic at dinala siya sa tinutuluyang resort sa Baguio. Kaya lang, hanggang halikan lang ang nangyari sa kanila.  Dahil sa sobrang kalasingan, ay nakatulog si McCoy. Hindi natuloy ang dapat sana ay sex nila.

Hanggang sa mamatay si McCoy, nanatili pa rin siyang virgin.

Ayon kay McCoy, isang malaking challenge para sa kanya ang gumawa ng daring scene sa isang mas matanda sa kanya.

First time ko po (daring scene) masasabi ko, mahirap kasi mas matanda sa akin si Miss Roxanne. Pero sa tulong ni Direk Dondon Santos, siya po ‘yung nag-boost sa akin, nag-motivate sa akin paano atakihin ‘yung eksena. Ang lagi niyang sinasabi sa akin, pangit mang sabihin pero, ‘McCoy, manyak ka lang!’ Ganoon.

“Sabi ko, ‘Direk, paano ‘yung manyak? ‘Di ko alam kung paano yan!’ Tapos pinilit ko ‘yung sarili ko, kumbaga, let it go na lang. Kumbaga, isang batang virgin na gustong mawala ang virginity niya, ‘yun ‘yung nakalagay sa utak ko.”

Ikinuwento ni McCoy kung paano niya pinaghandaan ang role niya bilang isang cancer patient.

“’Yung preparation ko, sobrang hirap din. Nanood ako ng mga documentary ng may cancer. Nanood ako ng movie ng may cancer. At the same time. hidi ko alam kung weird, pumunta ako sa mga cancer patient, inobserbahan ko sila. Tapos ang unang natutuhan ko sa kanila, ‘yung hope, na sa kabila ng lahat, nakangiti, masaya, parang walang problema.”

Kung sa G! ay virgin pa si McCoy, sa totoong buhay ay hindi na. Naranasan niya nang makipag-sex sa isang babae, na malaki ang agwat ng edad sa kanya.

Ako po, hindi ko po sinasadya at mas older woman din ‘yun. ‘Di ko akalain. Dapat after marriage nga po dapat! Nagulat po ako, eh. Kaya sobrang relate sa akin ‘yung character ko,” sabi ni McCoy na natatawa.

Samantala, zero ang lovelife ngayon ni McCoy. After niyang makipaghiwalay sa dating ka-loveteam, at karelasyon na si Elisse Joson, ay hindi pa niya naiisip na manligaw ulit at pumasok sa isang relasyon.

Single po ako ngayon dala nga po ng mga nangyari pero pahinga muna po sa love kasi masarap po magtrabaho, masarap po mag-ipon for the future. Hindi sa nadala, siguro napagod din in a good way, pero masarap po magtrabaho ngayon.”

Bukod kay McCoy, ang tatlo pang bida sa G! ay sina Jameson Blake, Mark Oblea, at Paolo Angeles.  May butt exposure sila sa pelikula. Si McCoy lang ang hindi pumayag na gawin ang ganoong eksena. Si Dondon Santos ang direktor ng G! Isa ito sa entry sa 2019 Pista ng Pelikulang  Pilipino, na mapapanood simula September 13 to 19.

MA at PA
ni Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …