Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
TINIYAK ni Albay representative Joey Salceda na masusunod ang mungkahi ni Pangulong Rodrigo Duterte ukol sa pinagkasunduang pamunuan ng Camara de los Representantes sa gagawing halalan sa susunod na linggo. Sinabi ito ng mambabatas sa weekly Kapihan sa Manila Bay media forum sa Café Adriatico, Malate, Maynila. (BONG SON)

House Speakership nakabalangkas na — Salceda

NANINDIGAN si Albay representative Joey Salceda na masusunod ang mungkahi ni Pangulong Rodrigo Duterte ukol sa pinagka­sunduang pamunuan ng Camara de los Representantes sa gagawing halalan sa Mababang Kapulungan sa susunod na linggo.

“I can tell you, at the rate we’re working together, there is definitely no chance those arrangement will not materialize on Monday,” punto ni Salceda sa lingguhang Kapihan sa Manila Bay media forum sa Café Adriatico, Malate, Maynila.

Una rito, sinabi ng kinatawan ng Albay na ang panukalang paghahati ng tatlong-taon termino ng mga House Speaker aspirant ay isang ‘masamang polisiya’ na maaari lang maging epektibo para sa Senado na ang mga senador ay may anim na taong panunungkulan.

“That’s bad policy because we are only 3 years. It can work in the Senate but in the House, no. It will be so disruptive to the work of the committees,” pahayag ng mambabatas.

“We will have a Speaker, he’s called Alan (Taguig rep.) Peter Cayetano, we will have a Majority Leader and he’s name is (Leyte rep.) Martin Romualdez and we will have (Marinduque rep. Lord Allan Velasco) as a support, depending on what committee he wants, or what position he wants,” sabi ni Salceda.

Bago ito, inendoso ng pangulo si Cayetano bilang susunod na Speaker ng House of Representatives.

Iminungkahi rin ng dating alkalde ng Davao City ang term-sharing arrangement nina Cayetano, na uupong House Speaker sa loob ng 15 buwan, at si Velasco, na manunungkulan naman sa nalalabing 21 buwan. (Tracy Cabrera)  

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Tracy Cabrera

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …