Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Hasaan 7 sa Agosto na

INAANYAYAHAN ng Departa­mento ng Filipino, Sentro sa Salin at Araling Salin ng Uni­bersidad ng Santo Tomas at ng Komisyon sa Wikang Fili­pino ang lahat ng mga taga­salin, nais matutong magsalin, mga guro ng pagsasalin at mga guro ng wika at kultura pati na ang mga pablisyer, mga kompanya sa wika at mananaliksik na dumalo sa Hasaan 7: Pam­bansang Kumperensiya at Kongre­so sa Pagsasalin na gaga­napin sa 5-7 Agosto 2019 mula 8:00 am hang­gang 5:00 pm sa Thomas Aqui­nas Research Center Auditorium ng UST. 

Ilan sa mga pangunahing tagapagsalita sina Virgilio Almario, Fortunato Sevilla III, Galileo Zafra, Michael Coroza, Voltaire Villanueva, Jayson Petras, Arthur Casanova at Rolando Bernales.

Bilang pagdiriwang sa Pandaigdigang Taon ng mga Wikang Katutubo,  nakatuon ang Hasaan 7 sa temang “Ang Papel ng Pagsasalin sa Interak­tibong Ugnayan ng Wikang Pambansa at mga Wikang Katutubo.”

Tatalakayin sa kumpe­rensiya ang kahalagahan ng pagsasalin sa pagkilala sa multikultural na realidad ng wikang Filipino, ang iba’t ibang karanasan sa pagsasalin mula sa iba’t ibang larangan at ang mga batayang hakbang sa pagsusulong ng pro­pe­syonalisasyon ng pagsasalin sa bansa.

Tiyak nitong mga layunin ang mga sumusunod:

  1. Matukoy ang kahala­gahan ng pagsasaling pam­pa­nitikan sa pagkilala sa mul­tikul­tural na realidad ng Filipinas;
  2. Maihambing ang iba’t ibang karanasan sa pagsasaling pampanitikan mula sa iba’t ibang larangan;
  3. Maibahagi ang sariling obserbasyon sa mga hamon sa propesyonalisasyon sa pagsa­salin sa bansa; at
  4. Makilahok sa pagmumung­kahi ng mga batayang hakbang sa pagsusulong ng prope­syonalisasyon ng pagsasalin sa bansa.

Ang halaga ng  rehistrasyon ay P2,500 para sa sertipiko ng pagdalo sa tatlong araw na seminar, pagkain, kit at kaukulang CPD units.

Maaaring magpatala at mag­ba­yad hanggang 31 Hulyo 2019.

Para makapagrehistro, mangyaring punan ang Google Form na nasa link na https://forms.gle/9mz4n2JYwRiFhZLL9.

Maaari rin magbayad sa pamamagitan ng banko gamit ang sumusunod na mga detalye: BPI Account Name: University of Santo Tomas Account Number: 0151-0000-45.

Para sa imbitasyon at iba pang detalye, makipag-ugna­yan kay Prop. Amur Asuncion sa email na [email protected] at sa numero na 09276423078.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DOST Region 02 Upskills ST Pen Videography to Boost Scicomm

DOST Region 02 Upskills S&T Pen Videography to Boost Scicomm

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 strengthened its science communication initiatives as …

DOST Ilocos VAW

DOST Ilocos Region Deepens its Advocacy for a VAW-Free Philippines Through “ Orange your Icon” Event

Moving the region closer to a truly VAW-free community, the Department of Science and Technology …

PTFOMS Recto

Recto: Human security must be central to national security

Executive Secretary Ralph G. Recto has underscored that human security must be central to the …

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

SM Foundation medical mission Olongapo

Social good partners, SM Foundation mount medical mission in Olongapo

Volunteers man the SM Foundation’s Mobile Clinic, providing assistance to patients undergoing electrocardiograms (ECGs) and …