Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
BULAGTA at wala nang buhay ang apat na hinihinalang mga miyembro ng notoryus na robbery hold-up gang sa labas ng kanilang sinasakyang Toyota Innova, na kinilalang sina Hernandez Monico Bermunda, Ayomen Jayboy, Nicson Binaliw, at Jayson Binaliw pawang mga taga-lungsod ng Baguio habang masusing sinisiyasat ng mga tauhan ng SOCO ang mga baril na ginamit ng mga suspek nang makipagbarilan sa mga tauhan nina P/Lt. Col. Elmer Decena, hepe ng Apalit Police at P/Lt. Col. John Clark ng 2nd PMRC Patrol, kamakalawa nang madaling araw sa Sitio Dudurot, Paligue, Brgy. Colgante, Apalit, Pampanga. (Kuha ni LEONY AREVALO)

4 notoryus na karnaper, bumulagta sa Pampanga

APALIT, PAMPANGA – Dead on the spot ang apat na miyembro ng kilabot na robbery holdup gang na sinasabing sangkot sa serye ng nakawan sa lalawigang ito makaraang makipag­barilan sa  pinagsanib na puwersa ng Apalit Police at 2nd PMFC Patrol, sa Sitio Dudurot-Paligue, Barangay Colgante, sa bayan ng Apalit kamakalawa nang madaling araw.

Nabatid sa isinumiteng ulat ni P/Lt. Col. Elmer Dece­na, hepe ng Apalit Police, sa tanggapan ni P/Col. Jean Fajardo, Pampanga Police Provincial director, napas­lang sa armed encounter ang apat na suspek na kinilalang sina Hernandez Monico Bermunda, 32 anyos, ng Baguio City, Benguet; Ayomen Joeyboy, 20 anyos ng Mountain Province; at ang magkapatid na Nicson Binaliw, 30 anyos, at Jayson Binaliw, parehong taga-Mines View, Baguio City.

Base sa pagsisiyasat ni P/SSgt. Marlon Agad, nagsa­sagawa ng checkpoint  sina P/Lt. Col. Elmer J. Decena, isang concerned citizen ang tumawag na may apat na armadong  lalaki na pawang  nakasuot ng bonnet na mabilis na tumakas matapos pasukin at holdapin ang Alfamart Convenience Store sa Sitio Sampaga, sakay ng pulang Toyota Innova na may plakang NCF 409 papuntang Sitio Dudurot.

Agad tinawagan ni P/Lt. Col. Decena si P/Lt. Col. John Clark, Force Commander ng 2nd PMFC Patrol na mag­sagawa ng hot pursuit operation na noon ay nagsasagawa naman ng Oplan Rody sa Sitio Cal­dera, Sulipan, sa bayan din ng Apalit.

Na-corner agad nila ang mga suspek na nagre­sulta ng armed confron­tation dahil biglang nagpa­putok ang mga suspek kaya gumanti ng putok ang mga pulis na nanging sanhi ng pagkaka­sawi ng mga suspek.

Nakuha sa mga sus­pek ang isang pulang Toyota Innova, dalawang kalibre .45 baril, isang caliber 9mm pistol at hindi pa malamang halaga ng pera na kanilang ninakaw.

(LEONY AREVALO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Leony Arevalo

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …