Monday , December 23 2024

PBS kasado vs Erwin Tulfo

INIIMBESTIGAHAN ng Philippine Broadcasting Service  (PBS) ang episode ng programa ng komen­taristang si Erwin Tulfo na minura at pinag­bantaan si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rolando Bau­tista sa government-run radio station Radyo Pilipinas.

Nabatid sa source sa Radyo Pilipinas na anomang araw ay ilalabas ng Program Content and Development Committee ang kanilang rekomen­dasyon sa kahihinatnan ng programa ni Tulfo sa kanilang estasyon.

Nabatid, si Tulfo ay independent program producer o blocktimer sa Radyo Pilipinas.

Ang Radyo Pilipinas ay isa sa mga radio station na pinanga­nga­siwaan ng PBS habang ang PBS ay nasa ilalim ng Presidential Commu­nications Operations Office (PCOO).

Kaugnay nito, inutu­san ni Department of Interior and Local Govern­ment ( DILG) Secretary Eduardo Año ang Philip­pine National Police (PNP) na tanggalin ang police security detail ni Tulfo maging sa kanyang mga kapatid na sina Raffy at Ben.

Maging ang dalawang Philippine Marines personnel  na nagsisilbing security ni Ramon Tulfo, Presidential special envoy to China, ay tinanggal na rin ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ayon sa PNP at AFP, bahagi ng “regular review” ang pagtanggal sa security detail ng magkakapatid na Tulfo.

Nauna rito, umalma ang Philippine Military Academy Alumni Asso­ciation Inc. (PMAAI) sa maaanghang na salitang binutiwan ni Tulfo laban kay Bautista na miyem­bro ng PMA Class ‘85.

Sa kanyang radio program noong 28 Mayo ay tinawag ni Tulfo na punyeta, buang, binan­taan na ingungudngod sa inodoro si Bautista dahil nabigong makapanayam ang DSWD Secretary.

(ROSE NOVENARIO)

 

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *