Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kotse bumangga sa poste… 5 sugatan, driver inaresto sa baril

ISINUGOD sa Sta. Cruz Hospital ang limang pasa­hero ng kotseng bumangga sa isang poste sa National

Highway, Barangay Lewin, sa bayan ng Lum­ban, lalawigan ng Laguna nitong nakaraang linggo.

Sa ulat ng pulisya, kinilala ang mga sakay ng kotseng Honda Civic na alabaster silver, may plakang ZLT394, na sina Reymond Baldemora alyas Boss Jandy, 36 anyos, driver, residente sa Barangay Wawa; at sina Renzielle Amores, Wendel Valderamos, Reymond Baldemora, at Ryan Austin Amores na pawang sugatan.

Dakong 01:20 am nang ipinagbigay-alam sa him­pilan ng pulisya ang insiden­te.

Agad nagtungo ang mga tauhan ng Lumban Police sa naganap na banggaan.

Nabatid na ang nasa­bing sasakyan ay nawala sa kontrol hanggang bu­mang­ga sa dalawang kon­kretong poste sa kaliwang bahagi ng high­way.

Samantala, nang isina­sagawa ang imbestiga­syon ng pulisya, nakita ang tatlong iba’t ibang uri ng baril at mga bala sa loob ng kotse at sa paligid ng pinang­yarihan ng insiden­te.

Inaresto si Reymond Baldemora dahil sa pagla­bag sa Omnibus Election Code at illegal possesion of firearms na kasalu­kuyang nakapiit sa Lumban MPS custodial facility.

(BOY PALATINO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Boy Palatino

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …