Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
dead gun

Kelot kumasa sa police ops todas sa ospital

STA. CRUZ, LAGUNA – Napatay ang isang lalaki matapos manlaban bago masilbihan ng search war­rant ng mga awtoridad, Mi­yer­koles nang gabi sa bayan ng Sta Cruz, lalawigan ng Laguna .

Ayon sa pulisya, imbes sumuko sa mga pulis, bumunot umano ng baril at nagpaputok si Von Ryan Castillo, alyas Von, residente sa Bliss, Sitio 7, Brgy. Patim­bao, Sta. Cruz, Laguna, kaya tinamaan ang isang ope­ratiba sa kanyang bullet­proof vest.

Napilitang balikan ng putok ng operatiba ang suspek at tinamaan ng bala ng baril sa katawan na agad isinugod sa Laguna Medical Center ngunit idineklarang dead-on-arrival, habang ang pulis na tinamaan ay dinala rin sa Laguna Medical Center para sa check-up na pinaniniwalaang nasa maayos na kalagayan.

Agad din humiling ang Sta. Cruz police station sa SOCO para iproseso ang lugar na pinangyarihan ng krimen. (BOY PALATINO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Boy Palatino

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …