MARAMING netizens ang humanga sa kaseksihan ni Andrea Torres. Kitang-kita naman kasi ang kaseksihan niya sa mga bikini photo mula sa island paradise ng Maldives na nakabalandra sa social media.
Nag-stay ang dalaga kasama ang kanyang pamilya sa bonggang Faarufushi, isa sa mga kilalang resort sa Maldives. Doon sila nag-spend ng Holy Week.
Maraming mga kalalakihan ang nabigahani sa ganda ng hubog at kinis ng katawan ni Andrea sa sunod-sunod na post nito sa kanyang Instagram na suot ang isang blue and pink swimwear.
Kaya naman among sexy stars sa bansa, maituturing na angat si Andrea at certified na bagong Pantasya ng mga kalalakihan at hinahangaan din ng mga kababaihan at ng mga beki.
MATABIL
ni John Fontanilla