Wednesday , February 18 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
PANGIL ni Tracy Cabrera

Mga opisyal ng gobyerno na walang respeto

I would never disrespect any man, woman, chick or child out there. We’re all the same. What goes around comes around, and karma kicks us all in the butt in the end of the day.

          — American record producer Angie Stone

 

PASAKALYE:

Natagpuan ang bangkay ng isang 16-anyos dalagita sa Sitio Mahayahay sa Barangay Bankal sa Lapu-Lapu City noong 11 Marso. Kinilala ang biktima na si Christine Silawan ng Sitio Soong 1 sa Barangay Mactan. Wala na siyang suot na damit na pang-ibaba nang madiskubre at sadyang binalatan ang kanyang mukha ng pumaslang sa kanya.

Ayon sa ina ng dalagita, papunta sa simbahan ang kanyang anak nang huli niyang makita 4:00 pm noong 10 Marso.

 

REAKSIYON:

Sadyang mapanganib ang panahon ngayon dahil napakarami nang naglipanang masasamang loob na kahit anomang oras ay maaaring sumalakay sa atin para gumawa ng hindi kanais-nais. Tulad nitong kaawa-awang biktima sa Lapu-Lapu City na sa halip na makapagsimba bilang pagsunod sa kanyang obligasyon bilang isang Kristiyano ay biglang kinitilan ng buhay dahil marahil sa maitim na pagnanasa ng pumatay sa kanya.

***

SINIBAK ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang isang consular officer makaraang disrespetohin at hiyain ang isang mamamahayag na may polio habang nag-a-apply para sa pasaporte.

Agad na nagpaumanhin si foreign affairs secretary Teddy Locsin Jr., sa kanyang Twitter post sanhi ng hindi inaasahang insidente.

Kinompirma ni DFA assistant secretary Elmer Cato ang agarang pagtatanggal sa bastos na consular officer.

Ayon sa biktimang mamamahayag na si Macon Ramos-Araneta ng Manila Standard, kinuwestiyon siya ng opisyal ukol sa kan­yang polio matapos na makapagsumite ng photocopy lamang ng kanyang PWD (person with disability) card.

Idinagdag na inutusan pa ng naturang opisyal sa isang security guard sa DFA na tiyaking mayroon ngang polio si Araneta.

Gayonman, inamin ng kaibigan nating mama­mayahag: “I’m wrong for presenting only a xerox copy of my PWD ID, but I wasn’t lying when I told that I have polio.”

 

REAKSIYON:

Ang pagiging isang kawani ng pamahalaan ay isang bagay na masa­sabing bokasyon dahil ang paglilingkod sa publiko ay maituturing na daki­lang gawain na hindi matatawaran ng salapi, kapangyarihan o implu­wensya.

Bakit nga ba mayroon tayong mga opisyal sa gobyerno na nagpapakita ng kawalan ng respeto sa mga taong dapat ay pinag­lilinhkuran nila nang tapat”

Nagtatanong lang po…

***

PARA sa inyong ko­mento o suhestiyon, rekla­mo o kahilingan, magpa­dala lamang ng mensahe o impormasyon sa aking email na filespolice­@yahoo.com.ph o dili kaya’y i-text n’yo na lang ako sa aking cellphone numbers na 09054292382 para sa Globe at 09391252568 para sa Smart. Salamat po!

PANGIL
ni Tracy Cabrera

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Tracy Cabrera

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Sotto, Ping, ‘bastonero’ ng Palasyo sa impeachment ni Sara

SIPATni Mat Vicencio NGAYON pa lang, marami ang nagsasabing ‘guilty verdict’ ang inaaasahang resulta ng …

Aksyon Agad Almar Danguilan

KyumterPH, boses ng konsyumer at komyuter

AKSYON AGADni Almar Danguilan KyumterPH. Sino ba ang grupong ito? Ano ba ang kanilang layunin? …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Ang Pag-IBIG at ang P6-B pamumuhunan

PADAYONni Teddy Brul ISANG kolum ng pagsusuri at pananagutan Ayon sa mga ulat at impormasyong …

Firing Line Robert Roque

OA sa Senado

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. NITONG nakaraang weekend, paulit-ulit na lumilitaw sa aking social …

Dragon Lady Amor Virata

Diskuwento ng Senior Citizens sa Cavite City bakit bakit 5% lang?

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata HETO po ang nakababahalang tanong at reklamo ng mga …