Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Direk Brillante, may panawagan: suportahan ang mga pelikula, prodyuser

MAY panawagan si Direk Brillante Mendoza kasabay ng paglulunsad ng ikalimang taon ng Sinag Maynila noong Huwebes na binuo nila kapwa ni Solar Entertainment mogul, Wilson Tieng, ang suportahan ang mga pelikulang kasali rito na ang misyon ay dalhin ang sine lokal, pang-internasyonal.

Aniya, “It’s not easy for the filmmakers to make this film. It’s not easy for the producers to produce films that you don’t know if it will make money.

Sana mas i-encourage natin at mas palawakin natin ang pagkakaisa sa industry kaysa maliitin ang mga pelikula, filmmakers at punahin ang industry.”

Pagpapatuloy pa ng Cannes Film Festival Best Director.”I think it’s the point in time na dapat tayong magtulungan na ‘wag tayong mawalan ng pag-asa kasi kung ganoon ang gagawin natin, sino pa ang magtutuloy, sino pa ang gagawa? Baka pati itong mga independent filmmakers na nasa harapan ninyo eh, dumating ang panahon na mawalan na rin sila ng ganang gumawa ng pelikula. Lalo tayong hindi makakapanood ng pelikula.”

Esplika pa ng magaling na direktor, “Mahirap ang sitwasyon natin ngayon, hindi lang naman dito sa Pilipinas, kundi maging sa buong mundo eh nararanasan din ‘yan tulad sa Europe at Amerika. 

“Pero isa ang Pilipinas sa buong mundo na kahit paano napakasigla ang paggawa ng independent film despite ng hirap, despite ng budget constraints, pero andito pa rin tayo gumagawa ng pelikula.

“I think it’s important for us to embrace the industry specially in this point in time we mostly needed it. Tayo lang at walang ibang makatutulong sa atin.”

Sinabi pa ni Brillante na hindi dapat iasa ang pagsigla ng industriya sa gobyerno.

“We should not expect from our government or too much from other people, but from our community as filmmakers.”

Maging sa entertainment press ay nakiusap si Mendoza, ”Sana lang suportahan natin ang bawat isa. Encourage natin ang mga nanonood na walang interes na manood ng pelikula natin.

Realidad ‘yan. Hindi kaya ng gobyerno na lahat gawin ang mga dapat nilang gawin. Pero the most that we can do is keep on doing good films. Encourage one another and to build an audience for our cinema.

“We cannot do this overnight and we cannot do this alone. But as a community who believe in one another and encouraging one another, I think we might not be able to do this in our lifetime pero somehow you were able to make a mark. You we’re able to do our part,” pagtatapos ni Brillante.

Sa kabilang banda, magsisimula ang Sinag Maynila sa Abril 3, 2019 sa pagpapalabas ng Lakbayan, isang three part omnibus film nina Mendoza, Lav Diaz, at ni National Artist for FilmKidlat Tahimik, na pare-parehong awardee sa Berlin International Film Festival.

Magsisimula ang festival proper sa Abril 4 samantalang may forum sa Abril 6 na ang speaker ay si Joanne Goh, chairman ng Malaysia International Film Festival kasama si Young woo-Kim, programmer sa Busan International Film Festival.

Ihahayag naman ang mga magwawagu sa gabi ng parangal sa Abril 7 at magkakaroon ng Fellowship Night para sa lahat ng filmmakers at Sinag Maynila  guests.

Limang pelikula ang maglalaban-laban sa full length, 10 ang short film, at lima naman sa documentary category.

Mayroon ding environmental film screening at forum na ang resource speaker ay si Fiona Faulkner, Environmental and Community Development Offices ng The Plastic Solution. Magkakaroon din ng Film Editing workshop na pangungunahan ni John Anthony Wong, managing director ng Edge Manila Creatives.

Magtatapos ang Sinag Maynila sa pagpapalabas ng pelikulang Journey, Asian Three-Fold Mirror project mula sa Japan Foundation.

Ang official event venue partner ay ang SM at SM Cinema.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …