Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

19 taon loyalty sa Krystall Herbal products hindi nagbabago

Dear Sis Fely Guy Ong,

Nawa’y bigyan pa kayo ng mahabang buhay kalakasan at kalusugan ng inyong katawan pati na ang mga mahal ninyo sa buhay. Nilakipan ko po ng sulat patotoo dahil wala po akong time na maghanap ng telepono sa bayan.

Taong 1998, nasumpungan ko po sa radio ang Krystall Herbal Products ninyo. Inuubo po ako noon at napakinggan ko po sa radio ang Krystall Herbal Oil na epektibo sa ubo at hindi ako nag-atubili. Bumili ako sa Farmacia Fatima sa tapat ng PGH. Ang ginawa ko ipinahid ko sa dibdib at likod. Nakadama ako ng ginhawa sa aking katawan noon at hanggang ngayon.

Nasubukan ko na po lahat ang ibang produk­to ninyo tulad ng Krystall Yellow tablet, Krystall Nature Herbs.

Ang isang anak ko ay sumakit ang tiyan. Una ko pong ginawa ay nag-Salmo po ako tapos pinahiran ko ng Krystall Herbal oil ang kanyang tiyan. Pinainom ko po siya ng Krystall Nature Herbs.

Iyon lang po at awa ng Diyos gumaling siya. Kasi po, ang anak ko ay mahilig sa malamig na inumin kaya ganoon ang nangyari sa kanya. Panay ang sabi ko sa kanya na huwag siya lagi uminom ng softdrinks o malamig na inumin.

Salamat sa Krystall products na inimbento ninyo at buhat nang masumpungan ko sa radio hindi na ako nagpapawala sa aming bahay.

Sis Fely, God bless you and more power to you.

Nagpapasalamat,
SIS FELICIDAD

Si Fely Guy Ong ay kilalang Herbalist na nagsimulang manggamot noong 1988. Para sa mga katanungan tungkol sa inyong kalusugan, maaari siyang tawagan sa telepono bilang (02) 853-09-17 o 852-09-19 o magsadya sa VM Tower, 727 Roxas Blvd., cor. Airport Rd., Parañaque City.

Back to Basic
NATURE’s HEALING
ni Fely Guy Ong

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Fely Guy Ong

Check Also

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …

Christine Dayrit 60 Dream Holidays Around the World

Lipa City Top Global Destination sa 60 Dream Holidays Around the World ni Cristine Dayrit

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez LIPA, isang lungsod sa Batangas na paboritong local destination ng may …

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

Araneta City

Christmas Happenings in Araneta City (Dec. 18 to 24, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

BingoPlus G2E Asia PH FEAT

BingoPlus furthers Responsible Gaming and Corporate Social Responsibility Campaign at G2E Asia PH

Erick Su, Head of ArenaPlus under DigiPlus Interactive Corp. at the G2E Asia PH 2025. …