DAHIL sa mga proyektong gagawin ni Iza Calzado, wala pa itong balak magbuntis ngayong taon at aprubado naman ito ng kanyang mister na si Ben Wintle.
Mas gusto munang i-enjoy ni Iza ang pagiging mag-asawa nila ni Ben and later on ay ang pagpaplano naman sa pagkakaroon ng anak ang kanilang gagawin.
“Not yet kasi mayroon pa akong prior commitment na sana matuloy na talaga this year. Tapusin ko lang ‘yun. ‘Yun lang ang hiningi ko kay Ben.
“At saka may mga gusto lang muna akong puntahan sana bago kami magkaanak, parang honeymoon.”
Nang ikasal nga sina Iza at Ben ay maraming mga supporter ni Iza ang nagsabing maganda ang magiging anak nilang dalawa dahil maganda si Iza at guwapong-guwapo naman si Ben.