Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Arnel Ignacio malacanan

Arnell, ‘di na ma-search ang personal FB account

BIGLA na lang naglaho ang Facebook account ng aming malapit na kaibigan at OWWA Deputy Admin Arnell Ignacio. 

Tsika ni Arnell sa pagkawala ng kanyang FB account, “Biglang na-disable, hindi na ako nase-search. Kaya ako ay nagugulat kung anong nangyari sa…Tapos noong una kasi blocked lang.

January 1, io-open uli. Kaya lang noong January 1, sinabi na sa akin na the decision is final.”

Baka may kinalaman sa mga ipino-post nito sa FB m, pero ayon kay Arnell, ”Basta ang huli kong posts ay tungkol lang sa akin ‘yun, eh. Ang pinakanaalala ko siyempre magpo-post ako tungkol kay Leni (Robredo).

May lumabas lang sa feed ko na nakalagay ‘yung Miss Universe Miss Useless. Hindi naman ako hindi naman galing sa akin ‘yun, eh. Natawa lang ako kaya shinare ko. ‘You work hard for this?’ Hindi ko rin alam kung iyon ‘yung ano. Wala kasi akong maisip na ipinost ko na…”

Panawagan nga nito, “Sana naman (maibalik). I’ve got so many years of memories doon. Ang tagal-tagal na (ng Facebook account ko) tapos biglang aalisin lang ng ganoon na hindi ko alam kung bakit.”

Until now ay cluless at palaisipan pa rin kay Arnell kung ano ang na-violate niya sa FB at ganoon na lang  kabilis na nag-disappear ang kanyang personal FB account.

MATABIL
ni John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …