Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kurot Sundot ni Alex Cruz

Katarungan para kay Chairman Peter Bautista

NAGLULUKSA ngayon ang grupo ng joggers, barangay ni Chairman Bautista, pamilya at mga kaibigan.

Matagal na naming kasama sa jogging si chairman Bautista, masaya siyang kasama habang tumatakbo at naglalakad sa kahabaan ng Chinese Cem.  Marami siyang kuwento na nakakatawa, minsan problema sa kanyang nasasakupang barangay pero sa kabuuan, mainit ang pakikitungo niya sa mga kapwa niya joggers.

Isa si  Che Peter, tawag namin sa kanya,  ang tuma­taguyod sa kapakanan ng mga joggers dahil na nga sa kanyang pagiging generous.   Yung bang nalalabing pera na lang  sa bulsa  ay ibibigay pa niya sa nanga­ngai­la­ngang jogger.

Madalas ay nagpapaalmusal siya sa loob ng Chinese Cem ng lugaw with matching malutong na pandesal.   Pa­ra sa lahat iyon ng joggers sa umaga kasama ang mga caretakers at guwardiya.   Wala siyang sinisino sa pagiging generous.

Sa madaling salaita, super-bait siya sa amin na maa­asahan sa lahat ng oras pinansiyal man o anumang tulong.

Kaya nga noong nakaraang  araw na pumutok ang balita na pinagbabaril hanggang sa mapatay si Che Peter ay nagulat at nalungkot ang  hanay ng mga joggers.   Wala kasi kaming alam na matinding dahilan para itumba siya nang ganoon.

Nasa pulisya na ang masusing pag-iimbestigaa ng kaso ni Che Peter.  ‘Ika nga, gumugulong na ang hustisya para mahuli ang dalawang killers at ang utak nito.   At umaasa ang mga joggers, pamilya ni Che Bautista at mga ka-barangay niya na mabibigyan ng hustiya ang pagkamatay ng iniidolo naming chairman at ka-jogger.

Sa asawa ni Che Peter na si chairwoman  nakikira­may po ang grupo ng mga joggers sa pagkawala ng isang mabuting tao.

KUROT SUNDOT
ni Alex Cruz

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Cruz

Check Also

Kira Ellis Fernando Casares SEAG

PH completes sweep of 3 triathlon golds

RAYONG, Thailand – Nilinis ng koponan ng triathlon ng Pilipinas ang lahat ng tatlong gintong …

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

PSC BCDA New Clark City

PSC at BCDA, pinagtibay ang makasaysayang pakikipagtulungan para sa training hub ng New Clark City

NEW CLARK CITY, TARLAC — Pormal na pinagtibay ng Philippine Sports Commission (PSC) noong Martes …

Joanie Delgaco Kristine Paraon SEAG

Olympian rower Delgaco, Paraon nagbigay ng ika-26 na ginto ng PH

RAYONG, Thailand – Nilampasan nina rowers Joanie Delgaco at Kristine Paraon ang sarili nilang inaasahan …

Alex Eala

Alex Eala tiyak na ang bronze medal sa dominadong panalo laban sa Malaysian

NONTHABURI – Tiniyak ni Alex Eala na may isa pa siyang medalya sa 33rd Southeast …