Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Michael Angelo
Michael Angelo

Michael Angelo, may bagong pakulo sa #Michael Angelo: The Sitcom Season 13

BENTANG-BENTA ang mga binitiwang jokes ni Michael Angelo Lobrin nang minsang humarap ito sa mga entertainment press para ibalita ang ilang pagbabago sa kanyang lalo pang lumalawig na show, ang #MichaelAngelo: The Sitcom sa GMA News.

Kaya hindi kataka-taka na bukod sa kanyang show na ngayo’y Season 13 na, marami ring malalaking kompanya ang nagtiwala sa kanya para mag-sponsor tulad ng Bounty Fresh, Chooks to Go, Uling Roasters, hanabishi, Bon Appetea, Owwe, PCSO, Reyal, Papa Dans, RC Cola, Skin Magical, at JGX.

Sa ngayo’y ikonokonsiderang longest running show ang #Michael Angelo: The Sitcom. Bukod pa sa magkakaroon na rin ito ng #Michael Angelo Holy Week Drama Special atplano rin niyang gumawa ng #Michael Angelo game show.

Sa pakikipagkuwentuhan namin sa kanya, inamin nitong idolo niya ang Eat Bulaga dahil maraming napapasayang tao at pampa-good vibes ang hatid sa lahat. Pero hindi naman niya kokopyahin ito sa kanyang game show. Kumbaga, mayroong pagkakahawig na lalagyan niya ng twist.

“Puwede pong sabihin na combination ng ‘Eat Bulaga’ at ‘Wowowin.’ Siyempre hindi naman po namin gagayahin sila kasi mas mahusay po sila, pero may ganoong touch,” paliwanag pa ng komedyante/ inspirational speaker.

Ukol naman sa Lenten Special, medyo may pagkakahawig din ito sa ginagawa ng EB pero tatlong beses mapapanood sa isang araw kompara sa Dabarkadas na sa oras lang nila ito mapapanood.

Sa Season 13 ng #MichaelAngelo: The Sitcom na mag-uumpisang mapanood sa Enero 27 (Linggo), ipakikita sa programa ang mga bagong karakter na maghahatid din ng inspirasyon  tulad nina Derek Monasterio, Bentong Sumaya, Janver, May Bautista, Lovely at marami pang iba.

Masayang pagbabahagi ni Michael, ”sa awa po ng Diyos at sa tulong ng   sponsors, umabot na sa Season 13 ang sitcom at siyempre may mga bagong katatawanan, bagong kuwento na kaiibigan ng ating mga sitcom follower at siyempre mga karakter na magbibigay ng katotohanan sa buhay at mga inspirasyon. Lumalaki po ang pamilya at iyon po ang pangarap natin, walang nawawala kundi nadaragdan kasi mas masaya kung marami. Kaya nagpapa­salamat po ako sa mga artistang nakasama namin sa matagal na panahon, hindi kami iniwan.”

Bukod sa show, ipinakita rin ni Michael Angelo ang bago niyang negosyo, ang Simply Suka na buong pagmamalaking sinabing, maraming PWD ang natutulungan niyon dahil sila ang katulong niya sa paggawa ng ‘ika nga niya’y napakasarap na suka.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Gerald Anderson

Gerald umamin may mga pagkukulang kay Julia kaya naghiwalay

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAHANGA-HANGA ang ginawang pag-amin ni Gerald Anderson na may pagkukulang siya kay Julia Barretto kaya …

Jessy Mendiola Luis Manzano

Luis at Jessy puno ng pasasalamat ngayong 2025 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MATAPOS ang isang matagumpay na taon para kina Jessy Mendiola at Luis Manzano, nagpasalamat …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …