“SOBRANG nakatutuwa kasi inalalayan niya ako sa mga eksena, tinutulungan niya ako,” ito ang pahayag ni Maine Mendoza kaugnay sa tanong kung anong klaseng katrabaho si Coco Martin na co-star nito sa 2018 Metro Manila Film Festival entry, Jack Em Popoy: The Puliscredibles.
Dagdag pa nito, “And tulad nga ng sinabi ni Bossing (Vic Sotto), very meticulous siya sa mga eksena.
“Kung puwedeng gawing perpekto, gawin natin, ganoon siya. And isa siya sa mga pinaka-passionate na aktor na nakilala ko rito po sa showbiz. Sobrang napaka-professional po niya.”
Ito nga ang kauna-unahang pagkakataon na nagkatrabaho sina Maine at Coco with Bossing Vic kaya naman nagulat ito sa pagiging mabait at maasikasong co-star ng Kapamilya actor kahit sikat na.
ni John Fontanilla