Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Dennis Trillo Dingdong Dantes
Dennis Trillo Dingdong Dantes

Dennis, nasasapawan si Dingdong

MISTULANG may competition sa acting sina Dingdong Dantes at Dennis Trillo sa seryeng Abel at Cain. Subalit mapa­pansing may lamang si Den­nis dahil rugged ang role at walang papoging kailangang i-project.

Mapa­pansin din na ang style ng isa sa director ng Cain at Abel na si Toto Natividad ang magpagsabog ng kotse at walang humpay na suntukan na ipinamalas niya noong nagdidirehe pa ng Ang Probinsyano ni Coco Martin.

Gusto ni Direk Toto na i-share sa ibang actor ang nalalaman niya sa action.

Alden, kay Bea naman inili-link

PAGKARAANG i-link kay Bea Binene  si Alden Richards, si Julie Ann San Jose  naman ang tinatarget ipareha sa actor. Mukha kasing malabong magkabalikan sina alden at Maine Mendoza na nali-link ngayon kay Arjo Atayde.

Anyway, good moves naman ito para sa actor para huwag mabakante sa mga showbiz tsismis. Sa totoo lang, kahit kanino i-link si Alden, puwedeng makalusot sa panglasa ng masa. Huwag lang sa mas may edad sa kanya.

Santa Claus ng Baliuag, patuloy ang pagbibigay ng tulong

EVERY year mistulang si Santa Claus ang Hermano Mayor ng kapistahan sa Baliuag, si Jorge Allan Tengco. Binibigyan niya lagi ng tulong at Pamasko ang mga bahay ampunan sa Baliuag tulad ng Betlehem Orphanage.

Masasaya ang mga batang ulila at mga mahihirap sa naturang bayan dahil sa tulong at kawanggawa ni Mr. Allan.

Sana lahat ng mga nakakaluwag sa buhay ay maging matulungin tulad ni Allan.

Katuwang niya sa pagtulong ang mga magulang na sina Mr. at Mrs. Lito Tengco at mga taga-simbahan ng Baliuag.

Camille Victoria, wish makabalik sa recording

HINDI man aktibo sa showbiz, tuloy-tuloy pa rin ang mga raket at gigs ng singer na si Camille Victoria. May grupo si Camille na kapwa kumakanta at tinatangkilik ng kapatid ng action star na si Tony Ferrer.

May opis sila sa Ortigas Avenue at kamakailan nag-guest si Camille sa Christmas party ng mga press people na kung tawagin ay TEAM.

Umani ng paghanga si Camille sa mga press na bumilib sa kanyang boses.

Sana muli siyang mabigyan ng pagkakataon sa mundo ng music. Bukod sa pag-awit, isa ring mahusay na painter si Camille. Ilan sa mga iginuhit n’ya ay sina Manny Pacquiao at Ringo Star ng Beatles.

Pangarap niyang magkaroon ng painting exhibit para mai-display a ng mga obra maestra niya.

***

BIRTHDAY greetings sa mga December born celebrities—Pops Fernandez, Leo Valdez, Carlos Agassi, movie producer Danny Chua ng DAC Productionex-Sen. Manny Villar, Mark Herras, Joshua Dionisio, Allan K, Ida Reyes, Fe delos Reyes, Rommel Galapon, Raoul Tidalgo, Amy Austria, Carlos Inductivo Jr. ng New York City, Ben S., at Bielle de Castro na pinababati ni Mommy Ailen ng Baliuag.

SHOWBIG
ni Vir Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Vir Gonzales

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …