Tuesday , November 5 2024

Tagumpay ng Magpakailanman, ibinahagi ni Mel (Apektado ng network war)

HALOS pitong taon na ang Magpakailanman at kung isasama ang panahon na nagpahinga ito ng ilang taon ay 11 years na ang GMA drama anthology hosted by Mel Tiangco.

At sabi nga, ang pangalan ni Mel ay nakatatak na sa Magpakailanman and vice versa.

“You know, I appreciate that and I’m very happy about that pero hindi lang ako ang ‘Magpakailanman.’

“Hindi lang ako, you know, ang dami-dami namin para mapaganda at maibigan ito ng publiko.”

Binanggit ni Mel ang researchers, writers, editor, cameramen, location manager, make-up artists at marami pang ibang may importanteng parte sa kanilang programa.

At siyempre bukod sa mga artistang nagsisiganap, napakahalaga rin ng mga taong nagbabahagi at nagbibigay ng kanilang mga kuwento ng tunay na buhay para maisadula sa  Magpakailan­man.

“The subject of our stories who wholeheartedly, you know, shared their lives with us.

“Iyon ang pinaka­malaking bahagi ng success ng ‘Magpa­kailanman.’ Mga taong nagtiwala sa ‘Magpakailanman,’ ibinahagi ang kanilang mga hirap sa buhay, ang kanilang mga ambition, ang mga frustration. And also their successes.

“Iyon ang pinakama­halagang factor in the success of ‘Magpakailanman.’”

Isa sa mga kuwento na naisadula na nila sa Magpakailanman na hindi niya makalilimutan ay tungkol sa isang inang may tatlong anak na lalaking puro schizophrenic.

“Ako mismo, na-touched, napaiyak, naawa, ako mismo ‘yung emotion ko, na-seize niya ‘yung emotion ko.

“Binu­bugbog ‘yung mother kapag wala siyang maibigay na pera, pagkain, binubugbog nila ‘yung mother nila.

“Being a mother tinanggap niyang lahat ‘yun, alam niyang may sakit ang mga anak niya. Tinanggap niya lahat, she took it all talaga, ‘yung pambubugbog sa kanya ng mga anak niya.”

At dahil nasa GMA Kapuso Fundation si Mel bilang pinuno nito, hindi nagtatapos sa pagpapalabas ng kuwento saMagpakailanman ang ginagawa niya. Natutulungan din nila ang mga nangangailangang tao sa mga ipinalalabas nilang mga buhay sa Magpakailanman.

Kumbaga ay namo-monitor pa rin nila ang mga buhay ng mga ito matapos maipalabas sa kaniyang programa.

“Masuwerte ako because I am with the GMA Kapuso Foundation, katulad nitong tatlong batang ikinuwento ko sa inyo, binibigyan namin ng gamot for the whole year, na iinumin ng tatlong anak niya.”

Nagiging bayolente ang mga ito kapag walang gamot.

Pinangangalagaan din nila si Justine Amar, ang batang may kakaibang kondisyon kaya hindi tumatanda.

“Siya mismo ang gumanap sa istorya niya, matalino at magaling ang batang iyon, ang galing niyang mag-perform. First time ‘yun, ha, first time ‘yun.”

Sa Magpakailanman din unang ipinalabas ang buhay ni Jo Berry, ang bida sa Onanay.

Apektado ng network war

Samantala, bilang isang Kapuso, hiningi namin ang opinyon ni Mel tungkol sa network war ng GMA 7 at ABS-CBN 2.

“It should exist!

“Eh ‘di hindi masaya ang panonood natin kung hindi magtatalo ‘yang dalawang ‘yan.”

”Because there is also something positive in the network war in the sense that, both networks try hard and try hard and try hard.”

Apektado ba siya sa ratings war?

“Apektado in the sense that I have a show that needs to rate.

“But as a televiewer parang… kasi kanya-kanya ‘yan, eh! Mayroon kang show na mas gusto mo eh, kaysa iba, eh.

“Ke may rating ‘yan ke wala, ‘Gusto ko ‘to!’

“May ganoon eh, ‘di ba?”

Bilang host ng Magpakailanman na nagdiriwang ng ika-anim na anibersaryo ngayon, ano ang isa sa mga magagandang naranasan na niya na may kaugnayan sa kanyang programa sa GMA?

“Yung kinakantahan  ako, you know, nasa palengke ka, tapos madidinig mo na ‘yung  mga tao, kumakanta na.

“Nali-lift ako, you know. Iyon nail-lift ako and that’s very often.

Nakaka-uplift.”

Pumupunta pala siya sa palengke?

“Oo naman , ano ka ba? Paminsan-minsan. Bakit naman hindi?”

Incidentally ay anak niyang si Wency Cornejo ang kumanta ng theme song ng Magpaka­ilanman.

RATED R
ni Rommel Gonzales

About Rommel Gonzales

Check Also

Bea Alonzo Lyle Menendez

Bea tinuligsa sa Halloween costume, post dinilete agad

MA at PAni Rommel Placente KONTROBERSIYAL na naman ngayon si Bea Alonzo. Ito’y matapos siyang mag-post …

Vice Ganda

Vice Ganda sa pagpasok sa politika — never mangangampanya at gagastos

MA at PAni Rommel Placente SA panayam kay Vice Ganda ng dating manager na si Ogie Diaz para sa …

Andre Yllana

Andre na-shock kotseng lumubog sa baha ‘di na naayos

RATED Rni Rommel Gonzales SARIWA pa sa isip ng marami ang pinsalang dulot ng super …

Coco Martin Kim Rodriguez

Kim Rodriguez ‘di malilimutan pag-aalaga  ni Coco

MATABILni John Fontanilla HINDI makalilimutan ni Kim Rodriguez ang mga sandaling naging parte siya ng FPJ Batang Quiapo. …

Beiersdorf Philippines, Watsons, at Plan International nangako ng magandang kinabukasan sa kabataan

Beiersdorf Philippines, Watsons, at Plan International nangako ng magandang kinabukasan sa kabataan

PINAGTIBAY ng Beiersdorf Philippines, Watsons, at Plan International Pilipinas ang pakikipagtulungan para paigtingin ang mga hakbangin tungo sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *