BIG winner sa katatapos na 31st Aliw Awards na ginanap sa Manila Hotel ang stage play na M Butterfly na hatid ng Frontrow Entertainment at Jhett Tolentino na pinagbidahan ni RS Francisco.
Wagi ang M Butterfly ng Best Non- Musical Production, Best Stage Director Non-Musical (Kanakan Balentagos), atBest Actor in a Lead Role Non-Musical naman ang nakuha ni RS sa napakahusay na pagganap bilang Song Liling.
Ayon nga sa CEO ng Frontrow Entertainment, ang tropeong nakuha niya ay magiging inspirasyon niya para mas makagawa pa ng mga proyektong makatutulong sa mga Filipinong nangangailangan ng tulong.
Maaalalang ang lahat ng kinita ng M Butterfly sa bawat gabing pagtatanghal ay ibinahagi sa iba’t ibang organisasyon. Kaya naman sa 2019 ay muling mapapanood ang M Butterfly pero this time ay sa Visayas at Mindanao naman.
Inialay ni Direk RS ang kanyang tropeo sa pinakamamahal niyang magulang lalo na sa kanyang ama.
Post nga ni Direk RS sa kanyang FB account: ”I humbly offer this trophy to the only. Man in. My. Life..
Words can’t express how. Much love and adoration I have for u, dad.
Uve been very patient dealing. With. Me all these years.. I hope I made u proud, dad.. Because that’s all I need: to see a smile from ur face is worth all the blood, sweat and tears I have put up to rcv this award.”
MATABIL
ni John Fontanilla