MARAMI ang napahanga ng beteranong actor nang dumalo sa presscon ng pelikulang Jack Em Popoy” Puliscredibles na entry sa 2018 Metro Manila Fim Festival kamakailan kahit nagluluksa pa ito sa pagkamatay ng kanyang anak na si Teejay dahil sa cancer.
Ayon nga kay Tirso, ”I’m coping with the situation, sabi nga nila sa showbiz, the show must go on no matter what.
“Dumarating ang mga tao para pagserbisyuhan natin ng magandang pelikula,” pahayag ng aktor nang tanungin kung kumusta na siya matapos ilibing ang anak.
“Ito ang panahon na manonood ang mga tao, para ma-entertain, makapanood ng magandang pelikula kaya dapat naihihiwalay namin ang personal doon sa trabaho.”
“Kapag trabaho, trabaho. ‘Yung personal will come later and alam ko naman na likas sa atin na kapag may pinagdaranan ang tao, nauunawan nila ‘yun bagkus kami naman mga artista.
“Ang tungkulin namin ibigay ang tungkulin namin, ibigay kung ano ang inaasahan ng mga tao,” aniya pa.
“Nagpapasalamat ako dahil natutuhan ko sa kapwa ko artista, kapag may pinagdaraanan ka na mabigat, sarilinin mo muna at paglingkuran mo muna ang nagbigay sa ‘yo ng trabaho mo at tungkulin mo bilang artista.”
Ang Jak Em Popoy: The Puliscredibles ay pinagbibidahan nina Vic Sotto, Coco Martin, Maine Mendoza sa direksiyon ni Mike Tuviera.
MATABIL
ni John Fontanilla