Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Paolo Contis LJ Reyes
Paolo Contis LJ Reyes

Paolo Contis, maligayang-maligaya kay LJ Reyes

SAMPUNG taon na si Paolo Contis sa GMA kaya tinanong namin siya kung bakit siya loyal na Kapuso lalo ngayon sa panahon na uso ang lipatan?

“Because they’re loyal to me!

“Hindi naman lingid sa kaalaman ng mga tao na may mga pinagdaanan ako when I was a Kapuso, during the time na Kapuso ako, Riyan nangyari ‘yung mga malulungkot na parte ng buhay ko, but GMA stayed loyal to me and gave me work, and that shows na I should give my loyalty to them as well.”

Ilang taon ang nakararaan ay may mga isyung pinagdaanan noon si Paolo tulad ng isyu umano ng pagsusugal at problemang pinansiyal, pero ngayon ay masayang-masaya ang buhay niya.

“Yes, yes, very!”

Kailan ba ang kasal nila ni LJ Reyes?

“One day, soon, very soon.

“Hopefully by ano…basta ‘pag puwede na, manganganak muna siya sa January, so ‘yun muna pinaghahandaan namin.”

Buntis ngayon si LJ sa una nilang anak ni Paolo.

Parehong magiging tatay sa loob ng ilang buwan ang mag-bestfriend na Paolo at Dingdong Dantes dahil buntis din si Marian Rivera.

“Mauuna ako ng kaunti. Noong isang araw lang napag-usapan namin. Siyempre ninong siya, automatic na ‘yun. Happy lang, kasi ‘yun naman ang gusto namin eh, maging buo ‘yung pamilya namin, iba nga lang ‘yung sitwasyon niyong sa akin, pero in God’s time everything will be better.”

RATED R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …