Friday , November 1 2024

Poe, natuwa sa paglagda sa First 1000 Days Law (Para sa tamang nutrisyon ng mga bata)

MASAYA si Senador Grace Poe dahil pinal nang naging batas ang kanyang iniakdang First 1000 Days na magpa­palakas sa nutrisyon ng lahat ng bata sa unang 1,000 araw ng kanilang buhay.

Tinawag na Kalusugan at Nutrisyon ng Mag-Nanay Act, ang Republic Act 11148 ay nilagdaan ni Pangu­long Rodrigo Duterte nitong nakaraang 29 Nobyembre.

Inilinaw ni Poe, sa RA 11148 ay mapagkaka­looban nang wastong pag-aaruga ng ina ang lahat ng sanggol sa ating bansa sa ilalim ng child health care program upang mahadlangan ang pagkabansot at malnu­trisyon ng mga bata.

“Sa wakas, batas na ang ating pet legislation, ang First 1000 Days! Para ito sa lahat ng ina at bata, ngayon at sa mga susunod na henerasyon. Thank you, Lord, at sa lahat ng nakipagtulungan para matupad ang pa­ngarap nating ito para sa ating mga kababaihan at kabataan,” sabi ni Poe sa kanyang Facebook page.

Sa ilalim ng First 1,000 Days Law, inaata­san ang pamahalaan na gawing pra­yoridad ang nutrisyon ng mga buntis at nagpapasusong mga ina, lahat ng mga sanggol at mga bata.

Nagkakaloob din ito ng mala­wak na estratehiya upang matu­gunan ang kalusugan at nutri­syon ng mga sanggol at nag-aatas na gawing institu­syon at iangat ang mga plano sa gas­tusin para sa kalusugan at nu­trisyon sa pangrehiyon at lokal na yunit sa pagpapaunlad.

Buong pagkakaisang inapro­bahan ng Senado ang Senate Bill 1537 na kilalang “Healthy Nanay and Bulilit Act” noong nakaraang Marso samantalang ipinasa ito ng Kamara ng mga Repre­sen­tante noong Setyembre 2017.

Kinakailangan ng gobyerno ang P17 bilyon upang mai­patu­pad ang 1,000 Days Program na magliligtas sa tina­tayang 2.7 milyong buntis upang maba­kunahan laban sa mga sakit na tetanus at diphtheria.

Pinalakas ng bagong batas ang pagpapatupad sa Exe­cutive Order 51 o ang “Milk Code” at ang Republic Act 10028 o ang “Expanded Breastfeeding Promotion Act of 2009” na nagtataguyod sa optimal infant and young child feeding and maternity pro­tection.

About hataw tabloid

Check Also

Bicol Money

Sa pananalasa ng bagyong Kristine
SA P132-B PONDO PARA SA BICOL FLOOD CONTROL MAY DAPAT MANAGOT — IMEE

TINULIGSA ni Senadora Imee R. Marcos ang malalang pagbaha sa Bicol sa kabila ng P132 …

Rodrigo Duterte Bato dela Rosa

Kung may sapat na batayan
DUTERTE SAMPAHAN NG KASO, HAMON NI SEN. BATO DELA ROSA

HINAMON ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa ang nais magsampa ng kaso laban kay dating …

PAGASA Bagyo Leon

Signal No. 5 itinaas sa Batanes daluyong pinangangambahan

ITINAAS ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 5 sa hilaga at silangang bahagi ng lalawigan …

arrest, posas, fingerprints

Pumugot sa sekyu sa QC timbog

NADAKIP ng Quezon City Police District (QCPD) ang driver na pumugot sa security guard ng …

Arrest Posas Handcuff

DILG’s most wanted na pumatay sa Konsehal, naaresto ng QCPD

NAARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police District – District Intelligence Division (QCPD-DID) ang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *