Sunday , November 3 2024

Globe Telecom Vendor partners lumahok sa volunteering program  

LUMAHOK ang vendor partners ng Globe Telecom sa kanilang volunteering program sa pamamagitan ng back-to-back meal-packing activity sa Rise Against Hunger (RAH) Philippines, ang sangay ng international hunger relief non-profit organization na nakikipagtulungan sa packaging at distribusyon ng pagkain at iba pang life-changing aid sa mga mamamayan sa developing nations.

Umabot sa 50 employee volunteers mula sa Asticom Technology Inc., na naglalaan ng serbisyo sa Globe, ang nag-pack ng 50 kahon ng puno ng 1,800 meal packs na pakikinabangan ng mga biktima ng mga nakaraang bagyo.

“It feels great to be part of an activity where we get to help people in Visayas and Mindanao. In the Ber months, these areas get affected by typhoons, so it feels great to share donations and exert our effort in this activity,” pahayag ni JM Lachica, Asticom Recruitment Officer.

Sa kabilang dako, 36 empleyado mula sa Wuhan Fiberhome Technologies Philippines, Inc., ang nag-pack at namahagi ng pagkain para sa 180 kids sa day care center sa Barangay Fort Bonifacio, isa sa apat na pasilidad sa Taguig sa ilalim ng RAH feeding program. Ang Fiberhome ay partner ng  Globe sa pagtatayo ng fiber infrastructure bilang suporta sa rollout ng fixed broadband lines nito.

“We, at FiberHome, are grateful to contribute and help together with RAH as we thrive to nurture lives and improve communities. We want to seize this opportunity to give back to the society even in the simplest ways,” pahayag ni Dylan Ding, Fiberhome Operations Management Director.
Dagdag ni John Andrew Martorillas, Fiberhome, CSR Manager: “Having our employees engage in meal packaging activities and turn-over of donations complements and enriches our strategy of giving which aims to make a significant and sustainable impact to all the beneficiaries. FiberHome will continue to consider the community as one of its most important stakeholders.”

Ang Globe ay aktibong sumusuporta sa RAH na tumutupad sa pangako nitong tapusin ang pagkagutom sa buong mundo sa 20 taon. Ang RAH ay nagpoprodyus ng healthy food packs para sa mga biktima ng kalamidad at nangangasiwa sa packing activities para mahikayat ang malaking grupo ng volunteers na makibahagi sa relief operations.

“We want to extend our purpose-led culture to our customers and partners, thus, we encourage them to take part in volunteering activities and contribute to social development and to nation building. We are truly grateful to our partners for sharing their time and talent to help others in need. We hope our collective effort will truly make a difference to the lives of all beneficiaries,” pahayag ni Yoly Crisanto, Globe Chief Sustainability Officer and SVP for Corporate Communications.

Masugid na tagapagtaguyod ng volunteerism ang Globe. Katunayan nakapagsagawa sila kamakailan sa pakikipagtulungan ng Walt Disney Company Philippines, ng three-month nationwide volunteering program na tinaguriang Time Please, sa staggering 22.1 million volunteering hours. Larawan itong nagpapatunay nang pagnanais ng mga Filipino na makatulong sa ibang tao.

Ang Globe ay nakapangako rin sa 10 UN Sustainable Development Goals na makagawa ng positibong pagbabago sa lipunan.

 

 

 

About hataw tabloid

Check Also

Prestone

 A New Era of Vehicle Protection is Here with Prestone’s 5X Superior Protection Guaranteed

The #1 Brake Fluid and #1 Coolant in the Philippines unveils the new look of …

Puregold Masskara Festival

Mga kilalang OPM artist nakipista sa Bacolod Puregold MassKaravan at Concert

SAMA-SAMANG dinala ng mga hip-hop icon na sina Skusta Clee at Flow G at PPop megastar na SB19ang panalo spiritsa Puregold …

DOST Region 02 Expands STARBOOKS Access in Sto. Tomas, Isabela

DOST Region 02 Expands STARBOOKS Access in Sto. Tomas, Isabela

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 continues to expand its STARBOOKS program …

Ysabel Ortega Miguel Tanfelix Rhea Tan Sofia Pablo Shaira Diaz Beautederm Belle Dolls

Miguel mala-Ken Doll sa Belle Dolls launch

RATED Rni Rommel Gonzales NAGMISTULANG Ken Doll si Miguel Tanfelix sa piling ng tatlong Barbie Dolls na …

PlayTime Binibining Pilipinas

PlayTime binigyang papremyo mga nagwagi sa Binibining Pilipinas

NAGKALOOB ng papremyo ang PlayTime, lumalagong online gaming entertainment platform, sa mga kandidato ng Binibining Pilipinas na nanalo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *