SA Enero 2019 muling mapapanood ang magaling at matapang na Public Attorney’s Chief, Atty. Persida Acosta sa telebisyon kapag nagkasundo sila ng PTV4.
Hindi naman niya tinanggap ang alok ng ilan na tumakbong Senador dahil mas pinili pa rin niya ang tumulong.
“May offer sa akin ang PTV 4 pero hindi pa kami nagkakasundo sa term,” ani Atty. Acosta. “Kahit ten-minute segment sa news. Tapos ang DWIZ may offer din sa akin ng free time.”
Sa pakikipag-usap namin kay Atty. Acosta, napag-alaman din naming humingi sa kanya ng tulong si Keanna Reeves ukol sa isinampang reklamo sa kanya kaugnay ng paglabag sa Anti-Cyber Bullying Law.
Aniya, magkikita sila ni Reeves para ikonsulta ang naturang problema.
Bukod dito, ibinalita rin niya ang ukol sa nangyayaring development sa mga batang namatay dahil sa dengvaxia.
Sa Christmas meet and greet ni Atty. Acosta sa entertainment press, ipinakita nito sa pamamagitan ng isang video presentation ang mga naging biktima ng dengvaxia. Naroon din ng tanghaling iyon ang mga magulang ng mga bata na humihingi pa rin ng hustisya.
“’Pag ako ang humawak ng kaso, ‘pag sa biktima, may kaso. ‘Pag sa accused, eh inosente. Kung may kasalanan, bahala ang PAO lawyers ko sa kanya,” sambit pa ni Atty. Persida.
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio