SA si Dr. Ramon Ramos sa pinarangalan sa nagdaang pagbibigay gawad ng PC Goodheart Foundation na pinamumunuan ng businesswoman at lady boss ng BG Productions International na si Ms. Baby Go. ginawad kay Doc Ramon ang pagkilala bilang Most Outstanding Public Servant 2018 at siya ay nagpapasalamat sa natamong karangalan. Pahayag ni Doc Ramon, “Ako naman ay nagpapasalamat kay Ms. Baby Go at sa PC Goodheart sapagkat ang kanyang mga adbokasiya ay lagi kong pinupuntahan, lalo sa medical services, kaya nandoon ako lagi para sa mahihirap, tumutulong sa kanila. That is every year, so ito namang mga award ay utang ito sa ating mga kababayan at kagandahang loob ni Ms. Baby Go, na kanyang pinaparangalan ang mga taong tumutulong sa kanyang mga adhikain.
Mayroon din ba siyang sariling advocacy? “Ako naman, sa aming probinsiya sa Cavite, mayroon po akong mga tinutulungan din, iyan ay mga home for the aged, at mga orphanage. Under sa pamumuno din ni Cardinal Tagle. Kung di po ninyo natatanong, magpinsan po kami ni Cardinal, kaya roon po ako laging umaalalay sa mga pangkalusugan ng matatanda at mga bata,” sambit pa niya.
Last year ay nabigyan din siya ng pagkilala ng PC Goodheart bilang medical consultant naman. Ano ang core o layunin ng foundation? “Ang pinaka-core ng foundation na ito ay pagtulong talaga sa kapwa. Hindi lang sa mahihirap, kundi roon din sa aspiring talents, tinutulungan ni Ms. Baby. Ito, nae-enocurage lahat na magsumikap sa buhay at magpursigi. Kaya nagustuhan ko itong adbokasiya ni Ms. Baby Go.
“Nakatataba ng puso ang award na tulad nito, pero sabi ko kay Baby noon, kahit last year, kahit sa mga PC Goodshepherd sisters kay Cardinal Tagle, ako po ay sinasabi ko, ‘di ko kailangang bigyan ng award. Tumutulong po ako… gusto ko lang po nasa side lang ako. Marami po akong tinutulungan, mga charities na dine-decline ko po ‘yung award and masasabi ko na parang bonus na lang po ang award,” nakangiting saad ni Doc. Ramon.
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio