Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
lotlot de leon nora aunor

Nora, ‘di nga ba makadadalo sa kasal ni Lotlot?

KULANG na lang ay isambulat ni Lotlot de Leon ang lahat ng sama ng loob niya sa kanyang inang si Nora Aunor.

Tulad ng kanyang ibinalita, magiging ganap na siyang Mrs. Fadi El Soury sa December 17 (Lunes), araw ng pag-iisandibdib nila ng  Lebanese fiancé sa San Juan, Batangas.

Kompirmado nang darating si Christopher de Leon, kaya ang automatic na tanong siyempre’y sisipot din ba si Ate Guy?

Umaasa si Lotlot na darating sa wedding venue ang Superstar, pero nakaiintriga ang kabuntot ng kanyang, “Sana…”

Aniya, marami kasi siyang hindi alam. Referring to what kaya, sa mga kaganapan ba sa buhay ng kanyang ina?

Tuloy, one couldn’t help but think na hanggang ngayo’y may ilang bagay sa kanila ang dapat maresolba, and just what could be those certain issues?

Sana, Nora can find time para maging kompleto ang kasiyahan ni Lotlot sa ikalawang pagtatangkang ito in enjoying marital bliss.

Matatandaang sa edad 17 noong magpakasal siya kay Ramon Christopher. Seventeen years later ay napawalang-bisa ang kanilang kasal noong 1989.

Present kasi at her forthcoming wedding ang mga kapatid niyang sina Ian, Matet (isa sa mga maid of honor), Kiko, at Kenneth. Kabilang din sa entourage ang anak niyang si Diego at tatlong daughters.

If ever, si Nora lang ang waley!

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …