Friday , September 13 2024
Imee Marcos Entertainmaet Press
Imee Marcos Entertainmaet Press

Imee, ipaglalaban sina Dolphy at Nora para maging National Artist

SA ginanap na chikahan ng entertainment press kay Ilocos Norte Governor Imee Marcos ay inamin niyang malapit talaga ang puso niya sa showbiz dahil na rin sa magulang niyang sina dating Presidente Ferdinand Marcos at dating First Lady Imelda Romualdez Marcos.

Mahilig manood ng pelikula ang gobernadora na namana niya sa ama samantalang ang nanay naman niya ay mahilig naman sa arts and music.

Naikuwento nga ni Governor Imee na sila ang nagsimula ng Metro Manila Popular Music Festival o Metropop noong 1977 na pinanalunan ni Hajji Alejandro sa awiting Kay Ganda Ng Ating Musika.

Nabanggit ni Ms Imee na nahulaan ng nanay niyang si Gng Imelda na kikilalanin sa buong mundo ang awiting Anak ni Freddie Aguilar na nangyari naman talaga na isinalin sa iba’t ibang lengguwahe.

Sabi ni Gng Imelda, “naku ‘yung kantang ‘yun (Anak), iyon dapat ang nanalo sa Metropop, may promise ‘yan kasi maganda.’

Kasi number 5 lang siya (Freddie), hindi siya nanalo. Tapos pinakinggan namin tama nga maganda ‘yung kanta.

Then after that, nai-promote namin nang ipinromote with a good friend in Europe, Carlo Nazi who was involved with the European recording industry and then we hooked up with the Japanese producer was also good friend of ours, so friend-friend lang ‘yun at talagang maganda ‘yung kanta at nag-effort kaming lahat na kung sino-sino ang tinawagan namin, pakapalan na lang ng mukha at tawagan na lang ng utang na loob, alam mo ‘yung ganoon?  Barkadahan na lang.”

Dahil sa pagpu-push sa awiting Anak kaya malayo ang narating nito.

Puwede naman ding mangyari ito sa mga pelikula natin na makilala nang husto sa ibang bansa na nangyayari rin naman sa ngayon.

So for me, feeling ko, we can do that now, the more it’s easier to connect now.  My goodness, there’s Facebook, there’s everything. It’s so easy to call on all sorts of people and ask for the help and I think it’s very evident that Hollywood, Tokyo, South America, China, every one is very open to new films, to all kinds of diversity, to ethnic and other products.

Parang naghahanap na ‘yung tao ng naiiba, parang sa Pilipinas, ‘yung indie films siya ‘yung mamayagpag sa takilya hindi mo akalain. Eh, ganoon na talaga sa world market, ang tao sawa na rin sa mga formula. Kahit rom-com pa o war movie pa ‘yan, gusto nila ng twist na galing sa ‘Pinas, galing sa Brazil. 

So, I’m sure makabebenta tayo, naku naman kung ‘yung Koreano nga nakakabenta, hindi nag-i-english tayo pa?,” paliwanag ng panganay nina ex-President Ferdinand at ex first lady na si Imelda.

Bale ba kung hindi politiko si Ms Imee ay malamang nasa mundo siya ng pelikula.

Aniya, “mas gusto ko talaga ang showbiz kaysa politika. Siguro filmmaker kung wala ako sa pllitika. Napunta lang ako rito dahil sa apelyido ko. Kaya nga medyo bipolar ako sa politika, minsan gusto ko, minsan hate ko.  I’m not sure eh.

Kung sakaling mabigyan ako ng pagkakataong bumalik sa national stage ‘ika nga, kailangan ibalik ang tulong sa Pelikulang Filipino. 

Alam naman ninyo ang pamilya ko long standing fans, avid fans ng Filipino movies. Para sa tatay ko, the power of film was inevitable and overwhelming, lalo’t naisapelikula ang buhay niya.  ‘Yung nanay ko naman alam n’yo naman ‘yun, the truth and the beautiful, sinasabi ng mga Filipino ay artist.

Heto nga, nire-rebyu ko ang mga batas, ako pa pala ang sumulat ng iba at kami rin ‘yung nag-draft. (MTRCB, FDCP, OMB). Nakakatutuwa dahil katatapos lang ng Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) na pinamunuan ni Liza (Dino) and wondering also kung ano ang mga nangyari medyo may what went wrong doon, ‘di ba?  Sabi ng iba patay na ang pelikulang Filipino dahil hindi mabuhay-buhay at ito nga yung sa FDCP na well promoted. 

Pero pagkatapos naman niyon (PPP) nakita naman natin na buhay na buhay dahil kumita ang Sarah Geronimo, ‘Miss Granny’ ng Viva Films productions and higit sa lahat ‘yung kay KathNiel (The Hows of Us) na talaga namang patok na patok on all records. So, it’s too early to declare Filipino film dead.  I think there’s a lot of work to be done but it’s alive and well.  Not so kicking perhaps but needs some help.”

Planong makipag-meeting ng gobernadora ng Ilocos Norte sa stakeholders, film producers, distributors, at theater owner’s para masolusyonan kung paano dumami ang manonood ng local films o mas tangkilikin ito sa mas maraming sinehan.

Anyway, napunta ang usapan sa pagbibigay ng National Artist award kina Mang Dolphy at Nora Aunor na dapat sana ay noon pa sila nabigyan.

Tumatawang sabi ni Ms Imee, “Buwisit.”

Dagdag pa, “Nabubuwisit ako at nabubuwisit lalo ako na hindi pa rin (nagiging National Artist) si Dolphy. Parang long overdue. Nakapipikon na.

“I mean to say, ano ang dahilan? What’s the problem? Hindi ko ma-gets. I think it’s really overdue.”

Sino ang dapat maunang bigyan ng National Artist award dahil isa lang ang puwedeng bigyan sa bawat kategorya.

“‘Wag ako ang tanungin kasi bias ako, maka-Nora ako. Pero dapat talaga binigyan na rin si Dolphy, ‘yun nga nakamatayan na,” natawang sabi ng gobernadora.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan


Fifth, pinaghandaan ang mga magtataas ng kilay
Fifth, pinaghandaan ang mga magtataas ng kilay

About Reggee Bonoan

Check Also

Luis Manzano Jessy Mendiola Truth or Dare

Jessy ibinuking muntikang paghihiwalay nila ni Luis

MA at PAni Rommel Placente MUNTIK na palang maghiwalay sina Luis Manzano at Jessy Mendiola. Ito ang isiniwalat …

Boobsie Wonderland

Boobsie Wonderland deadma sa lovelife, trabaho muna ang uunahin

MATABILni John Fontanilla MALUNGKOT man sanhi ng ‘di nila pagkakaunawaan ng tatay ng kanyang mga anak …

Ai Ai Delas Alas Carlos Yulo Chloe San Jose

AI Ai kay Carlos: mother knows best

MATABILni John Fontanilla SA pamamagitan ng social media ay nagbigay ng saloobin ang Comedy Concert …

Magic Voyz

Magic Voyz bagong titiliang boy group

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PUNOMPUNO noong Martes ng gabi ang Viva Cafe dahil inilunsad …

Charlie Dizon Carlo Aquino Crosspoint

Carlo na-pressure sa balitang buntis si Charlie

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MALIWANAG at maganda ang aura ni Carlo Aquino nang humarap sa virtual …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *