INAASAHAN nang sa paglundag ni Regine Velasquez sa ABS-CBN mula sa GMA ay susundan siya ng kanyang mga tagahanga.
Expectedly, mahahatak dapat ng Asia’s Songbird ang kanyang mga viewer-fans sa ASAP, ang bale point of entry sa kanyang newfound home.
Nakalulungkot isipin na base sa mga survey kamakailan, hindi ito ang kinalabasan. Kinabog ng katapat na show ang bagong-bihis na ASAP.
Worse, isinisisi ang lagapak na ratings kay Regine.
Pesonally, we’re no big fan of Regine. Pero unfair na ibunton sa kanya ang sisi kung bakit mas umarangkada ang kalaban kaysa sinalihan niyang programa.
Blame it on the cycle, ang kawalan talaga ng sinasabing “forever” sa anumang bagay sa mundo, most especially sa mundo ng telebisyon.
Pero may salita ring “consistency.” Kung may mga Sunday man siguro na sumablay o sasablay ang rival show ng ASAP, ibig lang sabihi’y nakatsamba lang ito. Ngayon, kung magtutuloy-tuloy ang pamamayagpag nito, well then, we can say that ASAP’s glory days are over.
Kung magkagayunman, still, walang partikular na kinalaman doon si Regine. Regine is not ASAP and vice versa.
In the same manner na hindi sa iisang mainstay ng Sunday PinaSaya nakasalalay kung kinabog o kinakabog man nito ang ASAP. Any production is a team effort.
Kaya please lang, spare Regine. Hindi siya ang ”Jinky Oda”!
HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III