‘M Y Idol.’ Ito ang ginawang pagbati at pagtawag ni PNP Chief Oscar Albayalde kay Coco Martin nang pangunahan ng actor ang pagdalo sa PNP Flag Raising Ceremony at Memorandum of Understanding Signing ng ABS-CBN at Philippine National Police.
Kasama ni Martin ang ilang executives ng Dos at artista ng FPJ’s Ang Probinsyano.
Pinangunahan ni Albayalde ang Memorandum of Understanding Signing na nagsasabing, ”The PNP as stated in the MOU collaborate and cooperate the production of FPJ’s Ang Probinsyano.”
Kasama sa ginawang pirmahan sina COO for Broadcast Cory Vidanes, Dreamscape EntertainmentUnit head Deo Endrina, at si MTRCB Chair Rachel Arenas.
Sa post ni Biboy Arboleda, Dreamscape AdProm head at manager ni Coco, sinabi nitong, ”Maayos. Nagkausap. Nagkasundo.”
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio