Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Arjo Atayde Maine Mendoza Alden Richards
Arjo Atayde Maine Mendoza Alden Richards

AlDub fan nagbanta, Maine movie, malulugi, ‘pag nag-promote si Arjo

ANG lakas ng tawa namin noong mabasa iyong isang social media post ng isang basher. Sinasabi niya kay Arjo Atayde na huwag nang sumipot sa promo ng kanilang pelikula ni Maine Mendoza kasi baka ma-boo pa siya sa promo. Sinasabi rin ng basher na mas malulugi ang pelikula kung magpo-promote pa si Arjo.

Hindi kami magdududa, ang basher na iyon ay AlDub. Sila lang naman talaga at wala nang iba ang galit na galit basta may nababalitaan silang nanliligaw kay Maine. Pero wala silang sinasabi laban kayAlden Richards kung may ibang partner, o kung bakit naman kasi hindi iyon nanligaw kay Maine kaya nasira tuloy ang ilusyon ng fans nila.

In the first place, hindi naman si Arjo ang partner ni Maine sa pelikula kundi si Coco Martin. Nagkataon nga lang na hindi si Coco ang nanligaw kay Maine kundi si Arjo.

Sasabihin nila na magpa-flop ang pelikula, bakit sila ba ang susuporta roon? Ang walang dudang magdadala ng pelikula ay sina Vic Sotto at Coco Mar­tin na pare­hong may magan­dang box office record. Eh kung ganoon karami nga iyang AlDub na kaya nilang mapabag­sak ng pelikula basta hindi sila nanood, bakit hindi nila nagawang box office record breaker ang pelikula ng AlDub noong araw?

Maipag­yayabang ba nila na kumita iyon kagaya ng pelikula ni Daniel Padilla? Hindi naman eh. Kaya ano ang punto na sasabihin nilang babagsak ang pelikula ni Maine kung makikitang nagpo-promote na kasama si Arjo? Mas nakahihiya pa sila niyan kung ang pelikula ni Maine ay maging top grosser kahit na hindi kasali si Alden.

Huwag nang magpaka-nega. Bakit ba ipinipilit pa ninyo iyong talaga namang wala na?

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …