HINDI nakaligtas sa pamamansin ng mga tao ang isang post na ginawa ni Janno Gibbs sa kanyang social media account na sinasabi niyang “September pa ako pumirma ng contract sa Star Music, naalala ko lang. Baka sila hindi na nila ako naaalala.”
Pero pagkatapos niyon, inalis din naman niya ang nasabing post. Siguro may nagsabi sa kanyang alisin iyon at baka sumama ang loob ng mga “amo” at lalo siyang hindi mabigyan ng project.
Bago iyan, umalis naman siya sa rati niyang manager, na identified naman sa GMA 7 noon pa at lumipat nga sa Viva, dahil sa paniniwalang mas mapapaganda ang takbo ng kanyang career. Pero dapat din sigurong unawain ni Janno ang katotohanan na hindi na siya bata ngayon, at natural na sa kanyang edad, magkakaroon na ng limitadong roles bilang isang actor. Malaking sugal din naman ngayon ang music dahil sa piracy. Hindi na kumikita iyong recording eh. Inilalabas nila sa internet, may isang magbabayad ng download, at ang kasunod, asahan na ninyong may nagda-download na niyan sa mga memory card sa mga mall sa halagang P50 para sa 10 kanta.
HATAWAN
ni Ed de Leon