NAGING usap-usapan at trending sa social media ang kakaibang konsepto ng Hintayan ng Langit na pinagbibidahan nina Eddie Garcia at Gina Pareño. Una itong napanood sa QCinema Film Festival at ngayo’y magkakaroon ng commercial nationwide screening simula Nobyembre 21.
Kaya naman may pagkakataon na ang mga hindi nagkaroon ng time na mapanood ito na isinakatuparan ng Globe Studios. Layunin na ng Globe Studios ang maghatid ng taos-pusong at may kalidad na mga pelikula.
Ayon nga kay Quark Henares, top executive ng Globe Studios, “When I first read the ‘Hintayan sa Langit’ script for QCinema, I couldn’t put it down.
“When I handed it to our producers, they felt the same way. This is a film Globe Studios had to do, and I’m so proud and happy we’re giving everyone a chance to see it nationwide. It’s different. It’s touching. It stays with you. Hope you can all catch it in theaters.”
Ang Hintayan ng Langit ay isang love story na nagpatuloy hanggang sa kabilang buhay.
Ipakikita sa pelikula ang pagkainip ni Lisang (Gina) ng kanyang paghihintay sa purgatoryo para makaakyat sa langit. Pero nang sa iiwan na niya ang inokupang silid, nakita niya na ang bagong titira roon, ang kamamatay na si Manolo (Eddie).
Dati niyang kasintahan si Manolo na sa pagkakataong ibinigay ng tadhana ay muli niyang nakasama at lubusang makikilala. Napagtanto rin ni Lisang na muli niyang nararanasan kung ano ba talaga ang kahulugan ng buhay.
Sa pagbabalik-tanaw sa kanilang naging buhay sa mundo, napagtanto nila ang kanilang mga naging desisyon, at hindi naiwasang itanong kung ano ang naging takbo ng buhay kung hindi sila nagkahiwalay ng landas.
Ang Hintayan ng Langit ay mula sa one-act play na isinulat ng spoken word artist na si Juan Miguel Severo at idinirehe ni Dan Villegas. Ito’y co-production ng Globe Studios at Project 8 Corner San Joaquin Projects na pag-aari nina Villegas at Antoinette Jadaone.
Ang pelikulang ito rin ang nagpanalo ng Best Actor kay Eddie at Audience Choice award.
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio