Isa kami sa natuwa nang bilhin ng Globe Studios ang pelikulang Hintayan ng Langit na mapapanood na sa Miyerkoles, Nobyembre 21 mula sa direksiyon ni Dan Villegas na isa rin sa producer para sa movie production na Project 8 Corner San Joaquin Projects katuwang ang kasintahang si direk Antoinette Jadaone.
Ang Hintayan ng Langit ang isa sa ipinalabas sa nakaraang QCinema Film Festival nitong Oktubre 21-30 pero marami ang hindi nakapanood dahil ipinalabas ito sa limitadong sinehan at napasabay pa sa malalaking pelikula.
Nagustuhan ni direk Dan ang kuwento ng Hintayan ng Langit mula sa one-act play na isinulat ng spoken word artist na si Juan Miguel Severo tungkol sa ex-lovers na pareho nang patay at hinihintay nila kung kailan sila puwedeng umakyat sa langit.
Si Gina ay nasa purgatoryo at si Eddie naman ay kamamatay lang at ipinakita ni direk Dan ang kanilang back-story noong buhay pa at nitong mga patay na sila.
Nanalong Best Actor si Eddie at nakakuha rin ng Audience Choice award ang Hintayan ng Langit sa QCinema filmfestival.
Kuwento ni direk Quark Henares na head ng Globe Studios, “When I first read the ‘Hintayan sa Langit’ script for QCinema, I couldn’t put it down. When I handed it to our producers, they felt the same way. This is a film Globe Studios had to do, and I’m so proud and happy we’re giving everyone a chance to see it nationwide. It’s different. It’s touching. It stays with you. Hope you can all catch it in theaters.”
FACT SHEET
ni Reggee Bonoan