Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Christian Bables Cora Waddel Recipe For Love
Christian Bables Cora Waddel Recipe For Love

Christian Bables, ‘di nangapa sa pagbibitaw ng punchlines

MALAPIT sa puso ni Christian Bables ang comedy dahil natural siyang komedyante.

Ayon kay Christian na pagbibidahan ang isang romantic comedy movie mula Regal Films, ang Recipe For Love na pinamahalaan ni Jose Javier Reyes at pinagbibidahan nila ni Cora Waddel, “hindi malayo sa akin. I must say ‘yung sense of humor ko malakas din naman talaga. Mahilig akong magpatawa sa mga katid ko, sa mga kaibigan.”

Giit pa ni Christian na mapapanood na sa Nobyembre 21 ang Recipe For Love, “Hindi naman ako nangapa sa pagbitaw ng punchlines. It’s something that’s part of me.”

At para nga maging convincing ang kanyang pagganap ni Christian, inihilera niya ang kanyang personalidad sa kanyang karakter. Kaya naman naging natural ang pagganap niya sa kanyang karakter.

“Ang sarili kong process, ipa-parallel ko ang sarili sa karakter ko sa pelikula. Hinanapan ko ng common ground.

“Nilagyan ko rin siya ng puso gaya ng lahat ng character na ginagawa ko, mapa-drama, mapa-comedy.”

Ginagampanan ni Christian si Calix, isang chef sa isang upscale Filipino restaurant na makikilala ang isang food blogger at nagnanaqis maging magazine editor na si Val. Tulad ng kanilang iniluluto at isinusulat, ganoon din ang nangyari sa kanilang relasyon, may pait at sweetness.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Niña Taduran, 3rd Nominee ng ACT-CIS partylist
Niña Taduran, 3rd Nominee ng ACT-CIS partylist
RDL owner, ‘di nai-iintimidate sa pagsusulputan ng napakaraming skin care products
RDL owner, ‘di nai-iintimidate sa pagsusulputan ng napakaraming skin care products
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …