Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Martin at Kiko, wa keber sa matitinding laplapan

HAPPY si Martin del Rosario na may movie version na ang pinag­bibidahan niyang Born Beautiful directed by Perci Intalan.

Originally kasi ang Born Beautiful ay intended bilang cable TV series na produced ng The IdeaFirst Company at Cignal Entertainment. Spin-off ito ng award-winning at hit movie ng IdeaFirst na Die Beautiful.

Pero bago pa man maipalabas ang Born Beautiful sa Cignal cable, nagdesisyon ang IdeaFirst at Cignal Entertainment na gawin muna itong  pelikula dahil sa ganda ng finished product nang makompletong i-taping ang buong serye. Plano namang isunod ipalabas ang cable TV series version nito pagkatapos maipalabas ang pelikula.

Very challenging para kay Martin ang role niya sa movie bilang si Barbs. ”Nakalabas na ako sa gay roles, pero ito ‘yung ikinukonsidera kong very challenging. Ito ‘yung best gay role ko so far,” sabi ni Martin.

Na-challenge din si Martin sa kanyang daring scenes sa Born Beautiful. May matinding laplapan sila ng isa sa leadingmen niya na si Kiko Matos.

Paano hinarap ito ni Martin? ”Nag-usap naman kami ni Kiko bago kinunan ‘yung eksena. Pero kasi ‘pag nandoon ka na sa eksena at nasa character ka na, hindi mo na iisipin na ako si Martin, siya si Kiko, talagang ibibigay mo ang lahat bilang si Barbs. Kaya laplapan kung laplapan. Kasi trans ako rito so, inisip ko na babae ako, maganda ako, inilagay ko ‘yung sarili ko sa mararamdaman ni Barbs, ganoon. First time ko makipaghalikan at makipag-love scene sa lalaki, kaya ang dami kong firsts dito sa ‘Born Beautiful.’ Thankful ako na very professional si Kiko tapos gina-guide pa kami ni Direk Perci.”

Maging si Kiko ay ginawa rin ang kailangang gawin sa laplapan scene nila. Ani Kiko, ”Artista ako eh, so kung ano ‘yung inire-require sa eksena at kung ano ang sinabi ng direktor gagawin mo. Bago ko pa tinanggap itong project alam ko na may ganoong mga eksena. Hindi naman ito ‘yung first na makipaghalikan ako sa lalaki, pero ito ‘yung isa sa matitindi pati sa love scene.”

Masaya lang sina Martin at Kiko na maipalalabas na rin sa big screen ang Born Beautiful sa Enero 2019.

ni GLEN P. SIBONGA

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Lala Sotto MTRCB

Sa pamumuno ni Chair Lala Sotto, MTRCB nakapagribyu ng 172,000 na materyal noong 2025; isinumiteng mga pelikula umangat sa 13.34%

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKAPAG-REVIEW ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), …

Beauty Gonzalez

Beauty certified yoga instructor na

I-FLEXni Jun Nardo MATAPANG, bumiyahe mag-isa si Beauty Gonzales, huh! Ginawa niya ‘yan nang pumunta siya …

Robi Domingo John Lloyd Cruz

John Lloyd at Robi muntik daw magsuntukan sa kasal nina Zanjoe at Ria

MA at PAni Rommel Placente HOW true na muntik na raw magsuntukan sina Robi Domingo at John Lloyd …

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …