Sunday , December 22 2024

Fuel hike agad-agad, fare hike komplikado sa implementasyon

KAPAG mayroong fuel hike, agad-agad itong naipatutupad. Umaangal lang sa salita ang sambayanan lalo ang iba’t ibang transport groups pero hindi naman nito napipigil ang taas-presyo.

Siyempre, paano makapagpoprotesta ang mga tsuper sa gas station e kailangang bumili ng gasoline o diesel para makapag­hanapbuhay.

Sa ilang beses na pagtataas ng petrolyo laging tinatangka ng trans­port groups na humiling na magtaas ng pasahe kasi nga na­man, sila na lang ang nagpapasan ng taas-presyo tuwing may fuel hike.

Siyempre bilang mga padre de familia, pinapasan rin nila bilang con­sumer ang epekto ng fuel hike sa presyo ng mga basic commodities.

E sa totoo lang, sa Filipinas kapag presyo ang pinag-uusapan hindi ito pababa, laging pataas nang pataas.

Kaya nang payagan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang taas-pasahe, natuwa nang kaunti ang transport groups pero kumulimlim ang mukha ng commuters.

Naturalmente, kahit barya-barya ang dagdag-pasahe sa jeepney malaki ang impact nito sa mahaba ang biyahe. Pero kung inaakala ninyong ganoon kabilis para sa jeepney/bus drivers and operators na magtaas ng pasahe, hindi po. Kailangan kasi nilang magpaskil ng legal na Fare Matrix bilang regulasyon.

Ayon mismo sa LTFRB, ang mga driver at operators ay hindi maaaring maningil ng P10 minimum fare nang walang LTFRB-issued new certificate of public conveyance bilang bagong fare guide. Kailangan nilang mag-apply sa LTFRB upang maiproseso ang kanilang CPCs.

Sa ilalim ng “no fare guide, no fare hike” policy ng LTFRB, ang mga mahuhuling lumabag ay maaaring sampahan ng kasong over­charging, na may multang P5,000 para sa unang paglabag.

Heto ngayon, ang unang ulat na lumabas, ang halaga ng Fare Matrix ay P620. E ‘di siyempre umugong ang reklamo.

Kahit na sinasabing operator ang nagbabayad ng Fare Matrix, alam naman nang lahat na may bawi ito sa mga driver, hindi man tuwiran pero alam natin pipitik ito sa boundary nila.

Ang latest development, inilinaw ni LTFRB chairman Martin Delgra na P560 lamang at hindi P610 ang halaga ng Fare Matrix.

Aniya, ang babayaran lang ng jeepney operators ay P510 para sa regulatory fee; at P50 para sa matrix, kaya P560 ang kabuuan.

Sinabi ni Delgra, noong 2001, nagtakda ng regulatory fee na P510 para sa aplikasyon ng fare matrix, at P50 para sa matrix mismo. Ang bayad sa matrix ay para sa admin cost.

Pero sa naunang ulat, ang bayad ay umaabot sa P610: P40 para sa franchise verification; P50 para sa fare matrix; at P520 para sa rate increase.

Alin naman kaya ang totoo sa dalawa?!

Siyempre, panghahawakan natin itong sinasabi ni Atty. Delgra. Sigurado na ba ang drivers and operators diyan, Atty. Delgra?! At ganoon din kaya sa aktuwal na aplikasyon ng mga driver at operators?!

Sana naman!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *