Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Romnick Sarmenta Harlene Bautista Tisay
Romnick Sarmenta Harlene Bautista Tisay

Romnick, may idine-date na Tisay; Harlene, may kasamang lalaking medyo Bumbayin

ANG bilis ng mga pangyayari, kamakailan lang inaanunsiyo sa pamamagitang ng official statement na hiwalay na ang mag-asawang Harlene Bautista at Romnick Sarmenta ay heto at pareho na silang nakikitang may kasamang iba?

Sa panayam kay Harlene ng ilang katoto kamakailan ay ipinagdiinan nitong walang third party sa paghihiwalay nila ni Romnick, pero nagbiro siya ng, ‘baka 4th party, ha, ha, ha.’

About three weeks ago ay kumain ang mga kaibigan namin sa Salu Restaurant na pag-aari ng mag-asawa at nakita nila si Harlene na may kasamang lalaking medyo bumbayin at kakaiba raw ang kilos at may narinig na business partner daw niya iyon.

Dinedma namin ang kuwentong iyon kasi nga nasa isip namin ang sinabing walang 3rd party kaya iyon ang pinang­hahawakan namin.

Sakto na naka-online si Harlene kahapon at tinanong namin ang tungkol dito at kung ano ang totoo sa walang 3rd party.

Aniya, “Yes that is correct. Third party wasn’t the reason or one of the reasons.”

At muli naming binanggit na ang kasama ba niyang guy na nakita ng mga kaibigan namin sa Salu ay ‘he’s the one now?’

Hi hi, hanggang doon na lang please.  3rd party wasn’t the reason, thank you Reg,” sagot sa amin na may smiling face.

Dagdag pa, “Im enjoying my time now in America with two of my daughters. So, life is good coz God is sooo good. “

Wala kaming masasabi tungkol sa guy na nakitang kasama ni Harlene sa Salu, pero dahil puro smiling face ang emoji niya ay masayang-masaya nga talaga siya at hindi palang talaga siya handang magsalita sa ngayon.

Samantala, nakita naman si Romnick na may kasamang babaeng Tisay sa isang hotel at tinanong namin ang ilang taong malapit sa aktor.

Ah oo, idine-date niya (Romnick) ‘yun.  Wasak na wasak kasi siya ngayon, kailangan niya ng makakausap. Alam naman niyong girl ang sitwasyon niya ngayon,” pahayag ng kausap naming malapit sa isa sa cast ng Halik.

Nabanggit pa na wala na si Romnick sa bahay nila ni Harlene at ni isang gamit ay wala siyang kinuha, “oo lahat ng conjugal properties nila ni Harlene, hindi niya kukunin dahil para sa mga anak nila lahat iyon,” sabi pa sa amin.

Hindi naman binanggit sa amin kung saan nakatira ngayon ang aktor pero lagi pa rin siyang nasa bahay nila para samahan ang mga anak dahil for a time ay matagal na wala si Harlene sa bahay nila dahil nag-aaral siya ng filmmaking sa Makati City at para makaiwas sa trapik ay nag-dorm siya roon.

Sa ngayon ay nasa proseso na ng annulment ang dalawa at marahil ito ang dahilan kaya hindi pa nagsasalita si Harlene tungkol sa guy samantalang si Romnick naman ay hindi namin mahagilap para hingan ng komento tungkol sa lahat ng nangyayaring ito sa buhay nila.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

[EXCLUSIVE] Maine at Arjo, mag-on na! (Sinorpresa ang aktor sa Bali)

[EXCLUSIVE] Maine at Arjo, mag-on na! (Sinorpresa ang aktor sa Bali)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Lala Sotto MTRCB

Sa pamumuno ni Chair Lala Sotto, MTRCB nakapagribyu ng 172,000 na materyal noong 2025; isinumiteng mga pelikula umangat sa 13.34%

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKAPAG-REVIEW ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), …

Beauty Gonzalez

Beauty certified yoga instructor na

I-FLEXni Jun Nardo MATAPANG, bumiyahe mag-isa si Beauty Gonzales, huh! Ginawa niya ‘yan nang pumunta siya …

Robi Domingo John Lloyd Cruz

John Lloyd at Robi muntik daw magsuntukan sa kasal nina Zanjoe at Ria

MA at PAni Rommel Placente HOW true na muntik na raw magsuntukan sina Robi Domingo at John Lloyd …

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …