MISTULANG isang babaeng ipinaglihi sa galit at sama ng loob si Kate Valdez sa seryeng Onanay.
Walang kabutihang bagay para kanya ang mga ginagawa ni Mylah Mikee Quintos na nade-develop sa drama.
Anyway, hindi nakapagtataka dahil maestra niya si Nora Aunor. Hindi puwede kay Guy ang magpalambot-lambot habang kaeksena niya.
May mga komento na napakasuwerte naman ni Jo Berry alyas Onay. Imagine si Wendell Ramos pa ang lasing na lasing na gumahasa sa kanya gayung asawa na niya noon si Adrian Alandy.
Magandang suwerte ang hatid ng pagiging little people ni Onay dahil unti-unting napapansin at nabibigyan kahalagahan ang katauhan nila.
Kamakailan, mga little people ang lumusob sa TV show na Wowowin ni Willie Revillame. Mabuti naman para pantay-pantay ang pagtingin ng tao sa kapwa kesehodang maliliit sila. (VIR GONZALES)