Monday , November 18 2024
A Song of Praise (ASOP) Music Ferstival
A Song of Praise (ASOP) Music Ferstival

12 entries, maglalaban-laban sa 7th ASOP Music Fest

AMINADO si Jay Eusebio, VP for Television at Marketing  ng  BMPI Inc., na nagkaroon sila ng malaking problema sa paglipat ng venue ng A Song of Praise (ASOP) Music Ferstival. Kung dati-rati’y sa malaking venue ito isinasagawa, sa Araneta Coliseum, sa ikapitong taon ng ASOP ay nalipat sa New Frontier Theater.

Pa­li­wa­nag ni Mr. Euse­bio, hindi avail­able ang Araneta ng Novem­ber 11, Linggo, kaya napili­tan silang lumipat sa New Frontier Theater, na malapit sa dating venue na pinagdarausan nila ng ASOP.

“’Yung team now is working on how to accommodate all those who would want to witness the staging of ASOP Finals. We are hopeful to have other avenues were we will be able satisfy those who would want to watch the finals. Maybe we could have simulcast with TV and have to utilize the social media,” sambit pa ni Mr. Eusebio.

Nalipat man, tuloy na tuloy pa rin ang pagpaparinig ng mga inspirational hymn o ang praise songwriting competition sa Nov. 11, Sunday, 7:00 p.m.

Labindalawang musical masterpieces mula sa monthly winners, na nagsimula noong November 2017, ang maglalaban-laban para sa Song of the Year grand title.

Lima sa  12 finalists ay returnees, ito ay sina Rommel Gojo (2013), Oliver Narag (2015),  LJ Manzano (2016),  Emmanuel Lipio Jr. (2017), at Joyner Dizon (2017).

Mag-uuwi ng half million pesos cash prize (tax free) ang tatanghaling grand winner samantalang ang mga non-winning entries ay magkakamit  ng P20,000 bawat isa bilang consolation prize. Dalawang special awards din ang pipiliin na makapag-uuwi ng P50,000, bilang Best Interpreter Award at People’s Choice Award.

Ang People’s Choice Award voting ay nagsimula ng 9:00 p.m. noong Lunes at magtatapos hangang 12:00 ng tanghali ng November 11. Para sa iba pang katanungan, bisitahin ang https://www.asoptv.com/poll para makaboto isang beses sa isang araw sa pamamagitan ng Facebookat Twitter.

Ang 12 entries ay ang mga sumusunod: Nov—Isang Milyong Pasasalamat, ni Edward Salde, inawit ni Leah Patricio; Dec—Binago Mo Ako, ni Jett Villareal, inawit ni Daryl Ong; Jan—Magpatuloy Sa Mabuting Paggawa, ni Febs Colibao, inawit ni Gian Magdangal; Feb—‘Wag Kang Bibitiw, niOliver Narag, inawit ni Jessa Mae Gabon; March—God Is With Us, ni Emmanueal Lipio Jr., inawit ni Cello Nunez; April—Salamat Panginoon, nina Elmar Jan Bolona at Rex Torremoro; May—Pagbabalik, ni Joel Jabelosa, inawit ni Marcelito Pomoy; June—Hiling, ni Jeffrey Lim,inawit ni Plethora; July—Makikita Kita, ni Joyner Dizon, inawit ni Dan Billano; August—Banal Mong Salita, ni LJ Manzano, inawit ni Mark Michael Garcia; Sept—Tugtog, ni John Paul Salazar, inawit ni Bradz; at Oct—‘Di Na ‘Ko Aawit, ni Rommel Gojo, inawit ni Hans Dimayuga.

Ang ASOP ay binuo para sa telebisyon ni Kuya Daniel Razon,  Breakthrough and Milestones Productions International, Inc. (BMPI) President at Chief Executive Officer (CEO)  na layuning himukin ang mga amateur at professional songwriters na purihin ang ating Panginoon sa pamamagitan ng musika.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Robin Padilla WPS

Robin gagawa rin ng pelikula ukol sa West Phil Sea

IKINAGALAK ni Dr Michael Raymond  Aragon, Executive Producer ng WPS (TV/ Radio series na ipinalalabas ngayon sa DZRH TV at DZRH radio) at …

Ken Chan Café Claus

Ken Chan iginiit: Hindi po ako nanloko

ni JOHN FONTANILLA BINASAG ni Ken Chan ang pananahimik matapos mabigong pagsilbihan ng mga awtoridad ng warrant …

Yasmien Kurdi Rita Daniela Archie Alemania Baron Geisler

Yasmien aminadong may trauma pa rin kay Baron, pinayuhan si Rita

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Yasmien Kurdi sa radio program ni Gorgy Rula, natanong siya …

Kathryn Bernardo Alden Richards Cathy Garcia Molina Sampana

KathDen fans umalma, vloggers na nagpakalat ng HLA video clips tinalakan

MA at PAni Rommel Placente MAY ilang vloggers na nagpapakalat ng video clips na kuha …

Rhian Ramos Rita Avila

Rita Avila saludo sa kabaitan at marespeto ni Rhian Ramos

MATABILni John Fontanilla PURING-PURI ng beteranang aktres na si Rita Avila ang kabaitan at pagiging marespeto ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *