NABALUTAN ng kontrobersiya at demoralization ang ‘promotion’ kamakailan ng isang empleyado ng Manila International Airport Authority (MIAA) na umano’y sadyang protektado ng dalawang mataas na opisyal.
Ang issue kasi ay biglang nalampasan ng isang babaeng empleyado na binansagang “KIKAY KATI” ang ilang beterano niyang kasamahan na naglilingkod sa Ninoy Aquino International Airport.
Ang naturang ‘instant promotion’ ni alyas Kikay Kati ay ikinadesmaya ng rank & file employees sa MIAA na matagal nang nagseserbisyo sa pambansang paliparan.
Ito kasing si alyas Kikay ay dating empleyado ng LBP Manpower Agency sa airport ngunit mabilis na naging ‘organic employee’ sa tuhog ‘este tulong na rin ng dalawang MIAA senior official.
Si alyas Kikay ay nakatalaga ngayon bilang Junior Supervisor ng isang departamento na nasa ikaapat na palapag ng MIAA Admin Bldg.
At nang ma-promote ay biglang permanente agad na may salary grade 15 samantala ang ibang kasamahan niya na matagal nang organic MIAA employees partikular sa airport operations ay nasa salary grade 6, grade 10, grade 12 at salary grade 14 na nagsilbi na sa NAIA nang halos 10-20 taon.
Wattafact?!
Hinaing ng mga miyembro ng SMPP (Samahang Manggagawa sa Paliparan sa Pilipinas) ngayon lang daw nangyari sa kasaysayan ng MIAA na ang pinaka-entry position ng isang empleyado ay salary grade 15 agad na ikinadesmaya nila dahil halos limang taon pa lamang daw sa serbisyo si alyas ‘Kikay Kati.’
“Kahit pala magaling ka at tapat sa iyong trabaho kung hindi naman napapansin at walang padrino ay balewala ito ngayon sa MIAA pero kung malakas at sumisipsip ‘este sipsip ka sa ‘itaas’ ay madali ang promosyon na naghihintay sa iyo,” hinaing ng isang beteranong opisyal sa MIAA.
Kaugnay nito, nanawagan ang mga empleyado kay MIAA general manager Ed Monreal at iba pang matataas na opisyal na sila naman ang bigyan ng pagkakataon dahil matatagal na sa serbisyo at napatunayan na ang kanilang tapat na paglilingkod sa pambansang paliparan.
Ang tanong nga nila sa dalawang MIAA senior official na sina alias “TURA” at “TIRYA,” ano kaya ang ipinakain ni alias “Kikay” sa kanila para bigyan ng special treatment!?
Alam kaya ni MIAA GM Ed Monreal ang Lihim ng Guadalupe?
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap