NANINIWALA si Senador Kiko Pangilinan na kaduda-duda at nakaliligalig ang pagsasailalim sa pamamahala ng Armed Forces of the Philippines sa ahensiyang revenue-generating.
“Ano ang alam ng AFP sa pangongolekta ng buwis at tarifa? Lalo lang pinalalakas ang militarisasyon sa burakrasya. Ano susunod? BIR? Immigration? Hindi lahat ng militar mahusay sa pagpapatakbo ng gobyerno, tulad ng palpak na si Capt. Faeldon at Si Gen. Lapeña ng BoC, at Lt. Col. Jason Aquino ng NFA,” ayon kay Pangilinan.
“Ikalawa: Kahit sino pa ang magpatakbo ng Bureau of Customs, kung ang Malacañang mismo ay kinokonsinti at hindi pinarurusahan sina Faeldon at Lapeña at walang maipakitang pangil at galit laban sa mga drug lord, wala rin mangyayari sa paglipat sa AFP dahil susunod lang ito sa mga utos ng Malacañang.”
“Ikatlo: Hindi paglipat sa anomang ahensiya ang solusyon kundi ang ipakita na ang mga palpak na opisyal ng BoC at mga kasabwat nitong mga sindikato na parehas na malalaking tao, ang parusahan at panagutin,” diin ni Pangilinan.
Aniya, parang matapang na desisyon ang pagtalaga sa AFP para mangasiwa sa BoC ngunit ang kailangan ay tunay na mga solusyon, at hindi palabas.
Sa panig ni Senadora Riza Hontiveros, sinabi niyang nakadedesmaya ang naging desisyon ni Pangulong Duterte.
(CYNTHIA MARTIN)
Martial law sa Customs
AFP takeover sa Customs suportado ni Sotto
Customs sa AFP pakitang tao? — Solon