Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
PORMAL na isinumite ni Bureau of Customs Commissioner Isidro Lapeña kay PDEA Director General Aaron Aquino ang 500 kilo ng shabu, tinatayang P4.3 bilyon ang halaga, na nakalagay sa dalawang magnetic lifter mula sa bansang Malaysia, makaraan masabat ng mga tauhan ni Bureau of Customs Manila International Container Port (MICP) District Collector Atty. Vener Baquiran dahil sa misdeclaration ng shipment. (BONG SON)

Hepe ng Dangerous Drugs panel sumuporta kay Mangaoang

HABANG pilit na wina­wasak ng ibang kongre­sista ang testimonya ni Deputy Customs col­lector, Atty. Lourdes Mangaoang, sinupor­tahan siya ng hepe ng House Committee on Dangerous Drugs sa kanyang suhestiyon na buksan ang lahat na kahinahinalang karga­mento kahit dumaan ito sa x-ray.

Ayon kay Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, tama na buksan at tingnang mabuti ang mga shipment kung hindi sigurado ang mga taga-Customs kung ano ang laman nito.

Taliwas sa sinasabi ni Mangaoang at ng mga opisyal ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), dala­wang experto ng Bureau of Customs na humarap sa pagdinig ng House Committee on Dangerous Drugs ang nagsabi na walang laman ang apat na magnetic lifters na dumaan sa x-ray ng BOC.

Ayon sa PDEA, ang apat na magnetic lifters, na natagpuan sa Cavite, ay pinagsidlan ng shabu na nagkakahalaga ng P6.8 bilyon.

Si Mangaoang, dating hepe x-ray unit sa Cus­toms ay nagpresenta ng mga imahen na, ayon sa kanya, ay nagpapatunay na may laman ang mga magnetic lifters.

“Atty. Mangaoang has a very good point that there should be standard operating procedure to subject suspicious contra­bands to physical examination,” ani Bar­bers.

“May problema tala­ga sa loopholes sa X-ray process at analysis kasi dalawang tao lang ang involved na puwedeng magkontsabahan, iyong x-ray analysis at iyung shift manager,” dagdag ni Barbers.

Si Customs Commis­sioner Isidro Lapeña, na matagal nang nanindigan na walang laman na sha­bu ang magnetic lifters ay kumambiyo sa harap ng mga kongresista.

Posible aniya na may laman yung magnetic lifters. (GERRY BALDO)

Lapeña sinibak ni Digong sa Customs (Inilipat sa TESDA)
Lapeña umaming nalusutan ng P6.8-B shabu (Sa Technical examination ng DPWH sa 4 magnetic lifters)
Lapeña umaming nalusutan ng P6.8-B shabu (Sa Technical examination ng DPWH sa 4 magnetic lifters)
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Gerry Baldo

Check Also

Sogo Employee Returns Lost Cash P400,000

Hotel Sogo Employee Selflessly Returns Lost Cash Worth More Than P400,000

  QUEZON CITY, Philippines – A Hotel Sogo Santolan employee, Mr. Raymond Tobasco, discovered a …

PDEA

Batakan tinibag ng PDEA; Operator, 3 runner tiklo sa Porac, Pampanga

BINUWAG ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Pampanga Provincial Office ang isang …

Arrest Posas Handcuff

Most wanted criminal ng CamSur nabitag sa Bulacan

NAHULOG sa kamay ng batas ang isang indibidwal na nakatala bilang most wanted person sa …

Olongapo PNP Police

12 timbog sa Oplan Roulette sa ‘Gapo

ARESTADO ang 12 indibidwal nang ipatupad ng Olongapo CPS, katuwang ang Criminal Investigation and Detection …

DVOREF College of Law

DVOREF Law ni Rep. Romualdez, pumasok sa Top 4 Nationwide; Elite Circle sa 2025 Bar Exams naabot na

PATULOYang “good vibes” para sa Leyte matapos ang Bar Examinations dahil opisyal nang kabilang ang Dr. …