Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kyline Alcantara
Kyline Alcantara

Kyline, ‘di na mabilang, mga produktong ineendoso; ‘Di nakikipag-kompetensiya sa kapwa artista

AKMA sa pagiging simple  ni Kyline Alcanta ang  tagline ng bagong produktong ineendoso niya, ang Symply G Hair and Skin Care na pag-aari ni Mr. Glen Sy, ang Ipasa ang Simply G, Simpleng Ganda.

Sa launching ng Symply G sa kanilang newest ambassadress na si Kyline na isinagawa sa Luxent Hotel at pinamahalaan ng kanilang PR na si Wheyee Lozada, nakatatawag-pansin din ang jingle ng produkto na likha ni Lito Camo.

Simpleng ganda, malakas ang dating. Ganyan ituring si Kyline ng kanyang mga Sunflower (tawag sa kanyang fans/followers). At ito rin naman ang gusto ng batang aktres dahil ‘ika nga niya, hindi siya maarte.

Ani Kyline, hindi siya maarte pero pinaghahandaan niyang mabuti ang bawat paglabas niya.

“Mas gusto ko po talaga ang simpleng ganda,” giit niya na siya ring tagline ng kanilang produktong Symply G na gumagawa ng moisturizing Soap, whitening soap, keratin shampoo at conditioner with camella oil at aloe vera and non greasy with Sunblock, at SPF 20 moisturizing and whitening lotion.

Sa totoo lang, hindi na mabilang ni Kyline ang mga produktong ineendoso niya. Kaya naman sobra-sobra ang katuwaan niya na nadaragdagan ang mga produktong nagtitiwala sa kanya.

“I feel so honored dahil pinagkakatiwalaan na nila ako para maging ambassadress ng kanilang product,” anito sa paglulunsad sa kanya  bilang ambassadress ng Symply G. “And ipina-promise ko rin sa kanila (mgnt.) na gagawin ko ang lahat para mai-spread ang news na mayroong product na ganito, Symply G.”

Paglilinaw ni Kyline, ginagamit muna niya ang isang produkto bago niya iendoso.”Hindi po ito ‘yung nag-offer lang sila para i-endorse ko ‘yung product nila. Tinest ko po muna talaga. Kaya alam ko sa sarili ko na I’m confident na i-endorse at maging ambassadress nito.

“Siyempre po ayokong manloko ng mga Sunflower na sumusuporta sa akin at sa sumusuporta ng produktong ito.”

Samantala, uumpisahan na ni Kyline ang kanyang series sa GMA 7 na makakasama niya si Therese Malvar.

“Opo parang magiging labanan ito ng aktingan. Ang press release nga namin eh kami ang Nora Aunor at Vilma Santos. Si Nora si Therese.”

At dahil isa ng internationally awarded Filipina actress si Therese, natanong si Kyline kung hindi ba siya nai-intimidate rito gayung nanlalamon ito sa eksena?

“Hindi naman po. Kasi ako naman po I don’t compete with anyone. I just compete with myself.

“Like with my past work ‘yun din ang parang gusto kong makipagkompetensiya pero hindi sa kapwa artista ko. Ginagawa ko lang ang gusto ko, ang magtrabahong mabuti.

“Gagalingan ko na lang,” paniguro pa ni Kyline.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Pink Filmfest 2018, aaribang muli

Pink Filmfest 2018, aaribang muli

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Gerald Anderson

Gerald umamin may mga pagkukulang kay Julia kaya naghiwalay

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAHANGA-HANGA ang ginawang pag-amin ni Gerald Anderson na may pagkukulang siya kay Julia Barretto kaya …

Jessy Mendiola Luis Manzano

Luis at Jessy puno ng pasasalamat ngayong 2025 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MATAPOS ang isang matagumpay na taon para kina Jessy Mendiola at Luis Manzano, nagpasalamat …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …