Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Angelica Panganiban Zanjoe Marudo Carlo Aquino PlayhouseAngelica Panganiban Zanjoe Marudo Carlo Aquino Playhouse
Angelica Panganiban Zanjoe Marudo Carlo Aquino Playhouse

Angelica, na-excite kay Carlo; Z, walang isyu

TIYAK na matutuwa ang supporters’ ng CarGel dahil mapapanood na nila si Carlo Aquino sa PlayHouse bilang karibal ni Zanjoe Marudo kay Angelica Panganiban.

Nang huling makausap namin si Carlo sa pagbubukas ng Beautefy by Beautederm store sa Alimall, Cubao kamakailan ay nabanggit ng aktor na may cameo role siya sa PlayHouse at hindi niya alam kung kailan ito ieere.

Sakto, sa ikalimang linggo ng programa pala ipapasok si Carlo base sa teaser ng Playhouse na ipinakita sa nakaraang blogcon nina Zanjoe, Kisses Delavin, Donny Pangilinan, AC Bonifacio, at Angelica noong Biyernes.

Siyempre ang unang tanong kaagad kay Angelica ay ano ang reaksiyon niya sa pagpasok ng Exes Baggage leading man niya sa serye nila ni Zanjoe.

“Nakae-excite. Excited ako para sa mga tao kasi nae-excite sila sa pagpasok at kung ano ang purpose ni Carlo sa kuwento sa karakter ko at kung paano siya makaaapekto sa relationship nina Patty, Marlon, at  Robin.  Exciting kasi kung mas hahaba pa ang kuwento at mas matagal pa kaming magsasama-sama kasi marami pang mangyayari,” nakangiting sabi ng dalaga.

Ano naman ang komento ni Zanjoe na may kaagaw siya kay Angelica sa PlayHouse?

“Sa umpisa palang, hindi pa kami nagte-taping alam na naming papasok ang karakter ni Carlo so, wala namang isyu roon. Siyempre may tiwala ako sa kompanya o sa management kung ano ang mas magpapaganda sa show at kung makatutulong sa show. Kami naman ay ginagawa lang ang trabaho namin kaya wala namang isyu o pressure na mangyayari. Mas nakatutuwa at mas nakaka-challenge para sa akin bilang karakter ni Marlon kasi si Carlo ‘yung magiging karibal niya kay Patty,” katwiran ng aktor.

Tama naman si Zanjoe, hindi naman siya tiyak na pababayaan ng GMO unit bilang sila naman ni Angelica ang bida sa PlayHouse.

Sabi nga ni Carlo, cameo role lang siya sa serye at hindi naman siya mainstay dahil abala siya ngayon sa shooting ng pelikula nila ni Nadine Lustre produced ng Viva Films.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Christian, humiling ng suporta sa Signal Rock: Please help us make noise at lumaban sa 86 pang mga bansa

Christian, humiling ng suporta sa Signal Rock: Please help us make noise at lumaban sa 86 pang mga bansa

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Lala Sotto MTRCB

Sa pamumuno ni Chair Lala Sotto, MTRCB nakapagribyu ng 172,000 na materyal noong 2025; isinumiteng mga pelikula umangat sa 13.34%

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKAPAG-REVIEW ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), …

Beauty Gonzalez

Beauty certified yoga instructor na

I-FLEXni Jun Nardo MATAPANG, bumiyahe mag-isa si Beauty Gonzales, huh! Ginawa niya ‘yan nang pumunta siya …

Robi Domingo John Lloyd Cruz

John Lloyd at Robi muntik daw magsuntukan sa kasal nina Zanjoe at Ria

MA at PAni Rommel Placente HOW true na muntik na raw magsuntukan sina Robi Domingo at John Lloyd …

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …